Paano tatanggalin ang basag na bombilya sa bulb socket? Idikit sa basag na bombilya ang hindi pa nagagamit na sabon pampaligo. Sabon ang hawakan habang iniikot-ikot ang basag na bombilya hanggang sa matanggal.
Paano tatanggalin ang oil sa driveway? Lagyan ng buhangin ang area na may oil. Hayaan lang na nakababad ito ilang araw, saka walisin ang buhangin.
Pinasok ng tubig ang wristwatch. Puwede lang ito sa relo na natatanggal ang salamin. I-strap ang relo sa bombilya. Hayaang nakabukas ang bombilya ng 5 minutes. Malalaglag ang water drops sa salamin ng relo. Buksan ang relo at punasan ng cotton cloth ang basang salamin.
Laging tinutulugan ng aso o pusa ang sofa. Maglagay ka ng maraming mothballs sa area na lagi nilang tinatambayan. Ayaw nila sa amoy ng mothballs.
Panglinis ng eyeglasses: Paghaluin ang kalahating tasang tubig at isang kutsarang suka. Ito ang ipambasa sa cotton cloth na ipampupunas mo ng iyong eyeglasses.
Panlinis ng glass doors at mirror: Punasan ito ng mamasa-masang diyaryo.
Sekreto ng flower vendors para di kaagad malanta ang bulaklak sa flower vase: Ang tubig sa flower vase ay haluan ng 2 to 3 drops ng bleach at isang tabletas ng aspirin na dinurog.
Paano tanggalin ang ink stain sa carpet? Paghaluin ang evaporated milk at cornstarch. Kahalintulad ng paste ang consistency. Iaplay sa mantsa. Hayaang nakababad ng ilang oras. Saka i-brush ng lumang toothbrush.
Sa anupaman dahilan, hindi pwedeng mabasa ang iyong pet pero kailangang siyang paliguan dahil mabaho na. Kuskusin ng baking soda ang balahibo, saka suklayin gamit ang hair brush.
Huwag itapon ang sobrang hinog ngunit hindi pa bulok na sa-ging. Balatan, masahin at itago sa freezer. Kung saba—puwede itong matamisin at gawing panghalo sa halo-halo; ibalot sa lumpia wrapper na parang turon; panghalo sa bibingka. Kung lacatan—panghalo sa cake.