MALAYO pa ang 2016 elections subalit nag-umpisa nang magbangayan sina AntiÂpolo City Mayor Junjun Ynares at Vice Mayor RoÂnaldo “Puto†Leyva. Habang umiinit ang laban ng dalawang opisyal, ang natatalo ay ang mga botante ng siyudad, di ba mga kosa? Paano kasi, hindi na makapag-concentrate sa kani-kanilang trabaho sina Ynares at Leyva dahil magbabantayan na sila ng kilos ng bawa’t isa. Kaya sa Holy Week na ito, sana magmuni-muni sina Ynares at Leyva at isipin ang kapakanan ng residente ng Antipolo at iisantabi muna ang pulitika. Pero sina Ynares at Leyva na kaya ang magbabanggaan sa darating na election? Tiyak ‘yun! Si Ynares ay taga-UNA samantalang si Leyva naman ay sa Liberal Party. Hehehe! Kanya-kanyang pakulo lang ‘yan!
Nagsimula ang sigalot ng dalawa nang walisin ni Ynares ang mga co-terminus employees sa Office of the Vice Mayor, Sangguniang Panglungsod at ang secretariat nito. ‘Ika nga, nahubaran ang opisina ni Leyva kaya naging “inutile†at “useless†ang liderato niya at halos di rin niya magampanan ang kanyang trabaho. Pero ang dahilan naman ni Ynares, ang pagwalis ng mga empleado sa tatlong opisina ay bahagi ng kanyang restructuring ng staffing pattern sa City Hall para makapag-save ng pondo. Kaya lang sino naman maniniwala ke Ynares ay ang tatlong opisina lang ang nilinis niya at ang mga co-terminus naman sa opisina niya at ibang departmento ng City Hall ay hindi niya ginalaw? Mismo!
Para makaganti naman, nagsampa ng graft charges si Leyva laban kay Ynares sa Ombudsman. Sa kanyang 19-pahinang reklamo, sinabi ni Leyva na kaagad-agad na pina-implement ni Ynares ang City Ordinance No. 2013-517 at Resolution No. 2013-028 noong June 30, 2013, halos kasabay ng pag-upo niya bilang vice mayor. Ang iginiit ni Leyva, hindi nag-comply si Ynares sa three Reading Rule na nararapat para ma-approve ang isang ordinansa ayon sa Local Government Code (LGC). Hehehe! Lumalabas na pinuwersa ni Ynares ang pag-implement ng naturang ordinansa at resolution, ano mga kosa? Kung sino man ang nag-advise kay Ynares sa isyung ito eh mukhang hindi niya kakampi dahil gusto siyang maipakulong nito. Ano ba ‘yan?
Iginigiit kasi ni Leyva na ang hakbangin ni Ynares “constiÂtute grave misconduct, gross neglect of duty, conduct prejudicial to the interest of service and clear violation of the Local GovernÂment Code.†Kaya hinihiling ni Leyva sa Ombudsman na patawan ng preventive suspension itong si Ynares. Hehehe! Ang lupit naman!
Sa tingin ng mga kosa ko sa Antipolo, panghimagas pa lang itong Round 1 sa bangayan nina Ynares at Leyva. May kasunod pa ito, anila. Sino kaya ang lumabas na winner sa awayan nina Ynares at Leyva? Place your bets mga kosa ko dyan sa Antipolo! Abangan!