Uok (125)
“MAG-AABOGADO ka pa naman. Ang isang abogado ay dapat pinalalagay na inosente ang lahat hangga’t hindi napapatunayan. Huwag ka agad maghuhusga. Isa pa, sa tingin ko ay naÂpakabuting babae ni Gab. Sa tingin ko, hindi siya yung tipo ng babaing kahit may siyota na ay nagpapaligaw pa. Yun bang parang nagwi-window shopping.’’
Tatangu-tango si Drew. Mahusay magpaliwanag ang kanyang daddy. Bagay na abogado dahil malawak ang pang-unawa at hindi agad nanghuhusga.
“Ano ba ang huli ninyong pag-uusap ni Gab?â€
“Wala po. Basta po kasi umalis ako nang makitang may kausap siya sa salas. Hindi na nga po ako pumasok dahil nakita kong masaya silang nagkukuwentuhan.’’
“Ibig mong sabihin pagsungaw mo sa pinto, e nag-u-turn ka agad sabay alis?â€
“Opo.’’
“Anong ginawa ni Gab?â€
“Hinabol po ako hanggang sa may pinÂto at tinawag ako.’’
“Anong ginawa mo? Tumigil ka?â€
“Nilingon ko pero nagtuluy-tuloy na ako sa pag-alis. Nainis na po kasi ako.â€
“Kawawa naman si Gab, ang bait pa naman. Hindi nga yata marunong magalit yun.’’
“Nakakainis nga Daddy.’’
“Alam ko, mahal mo si Gab. Kasi kung hindi mo siya mahal hindi ka maiinis at hindi rin magagalit. Pero sana, nag-isip ka muna at hindi basta-basta umalis.’’
Napabuntunghininga si Drew. Nakokonsensiya sa ginawa kay Gab.
“Tapos, hindi mo pa sinagot ang tawag. Kakaawa naman!â€
Napabuntunghininga uli si Drew.
“Sige, pagtawag niya uli, sagutin mo na ha? Kawawa naman. Humingi ka ng sorry sa kanya. Habang maaga, tahiin na ang punit para hindi lumaki.â€â€
“Opo Dad.’’
Pero hindi na tumawag si Gab. Dumaan ang magÂhapon ay wala. Hanggang gumabi. Hanggang lumipas ang magdamag. Walang tawag.
Kinabukasan, sinabi niya sa daddy niya na walang tawag.
“Puntahan mo na sa kanila. Suyuin mo na.’’
“Opo Daddy.’’
Pinuntahan niya.
Si Sir Basil ang nakausap niya. Tinanong niya kung naroon si Gab. Malungkot si Sir Basil.
(Itutuloy)
- Latest