KAPAG gusto mo ng idispatsa ang isang pinaglumaang bagay o tao, pwede mo siyang itapon, pwede mo siyang itago sa pinakasuluk-sulukan o ipamigay sa iba. Maaari mo din naman siyang iburo hanggang tuluyang mabulok at mawala na lamang.
“Sabi nila hindi na ako pwedeng bumalik sa dati kong post dahil may kapalit na ako. Nagustuhan nila ang serbisyo nung reliever ko,†simula ni Joanne.
Walang regular na trabaho, ito ang hinaing ng tatlumpu’t isang taong gulang na ginang na si Joanne Revilla, taga Kalookan. Taong 2009 nang magsimula siyang magtrabaho sa Consolidated Building Maintenance (CBM). Una siyang na-assign bilang ‘housekeeping staff’ sa Manila Doctors Hospital.
“Maayos naman ang trabaho ko dun. Dalawang taon akong tumagal,†wika ni Joanne.
Kaya lamang siya naalis sa Manila Doctors dahil seloso umano ang dating kinakasamang si Renato Santiago. Palagi siyang pinupuntahan sa kanyang pinagtatrabahuan.
“Bawal kasi ang padalaw-dalaw kaya inalis ako,†sabi ni Joanne.
Agad naman siyang nilipat ng ahensiya sa Manila Central University (MCU). Ilang buwan ang nakalipas nabuntis siya kaya nag-file siya ng ‘maternity leave’.
“Dalawang buwan ang leave ko. May pumalit sa akin pansalamantala bilang reliever,†salaysay ni Joanne.
Pebrero 2013 nang bumalik si Joanne ngunit hindi siya pinagtrabaho dahil hindi pa daw tapos ang dalawang buwan niyang leave. Ayon ito sa kanyang Supervisor na si Giselle Posadas. Tinapos ni Joanne ang kanyang bakasyon bago muling bumalik sa ahensiya. Pagdating niya doon… “Hindi ka na pwedeng bumalik dahil may kapalit ka na,†sabi umano sa kanya.
Ililipat na lamang umano siya nang mapagtatrabahuhan.
“Hindi ako pumayag dahil kapapanganak ko lang. Wala akong regular na kita kapag naging reliever ako,†pahayag ni Joanne.
Nakiusap si Joanne sa CBM. Nangako ang mga ito na bibigyan siya ng trabaho sa Health Delivery System Inc. (HDSI).
“Akala ko regular duty ko na yun. Bigla na lang akong tinanggal pagdating ng Enero 2014,†pahayag ni Joanne.
Pagpunta sa opisina ni Joanne may naghihintay nang papalit sa kanya. Agad siyang nagpunta sa ahensiya at kinaÂusap si Ronnie Manguang.
“Nilagay ako sa SM Megamall bilang stand-by reliever. Tinanggap ko na kahit kala-kalahating araw lang ako,†ayon kay Joanne.
Matapos umano sa SM Megamall, inilalagay na siya ng ahensiya sa malalayong lugar ngunit hindi naman niya matanggap-tanggap dahil lugi siya sa pamasahe pa lang. Nais ni Joanne na bigyan siya ng CBM ng regular na trabaho. Ito ang dahilan ng paglapit niya sa aming tanggapan.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Joanne.
Pinayuhan namin si Joanne na makipag-usap sa kanyang ahensiya kung hanggang kailan siya maghihintay na mabigyan siya ng regular na trabaho. Matapos naman siyang bigyan ng referral letter upang makausap si Ronnie muli siyang nagbalik sa aming tanggapan.
“Okay na po. Tinanong nila ako bakit daw ako nagpunta sa inyo sabi ko humingi lang ako ng payo,†wika ni Joanne.
Binigyan siya ng pansamantalang duty sa SM Megamall at kapag may natanggal o nagbitiw ay siya na ang una sa listahan bilang ipapalit.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, maaari kang magreklamo ng ‘constructive dismissal’ dahil una, ikaw ay dinestino sa malayong lugar gayung may pamilya kang dapat alagaan. Ginawa ka naman nila ngayong taga-relyebo na hindi naman sapat ang iyong kikitain para makabuhay ka ng isang pamilya. Binigyan namin siya ng referral sa CBM para mapag-usapan muna nila ang kanyang problema. Kapag hindi sila nagkasundo ay tuluyan nang isampa ang kaso sa National Labor Relations Commission (NLRC). (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN O MAY PROBLEMANG LIGAL magpunta lang sa 5th Floor City State Centre Bldg. Shaw Blvd. Pasig City. Maari kayong mag-text sa mga numerong 09213263166, 09213784392, 09198972854. O tumawag sa 6387285 / 7104038. Bukas kami Lunes-Biyernes. Magdala lang kayo ng mga dokumentong may kinalaman sa inyong reklamo.
Makinig rin kayo ng prograÂmang “PARI KO†tuwing Linggo sa DWIZ 882 KHZ. Mula 9:30-10:30PM kasama sina Fr. Jojo Buenafe, Fr. Jason Laguerta at Fr. Lucky Acuña.
Sa mga taong may problemang medikal, walang kakayahang magpagamot maari din kayong lumapit sa tanggapan ng “PUSONG PINOYâ€, sa parehong address: 5th Floor City State Centre Bldg. Shaw Blvd. Pasig City, Lunes hanggang Biyernes 9:00 ng umaga. Huwag niyo kalimutang magÂdala ng photocopy ng inyong ‘Updated Medical Abstract’. Mapapakinggan ang programang “PUSONG PINOY†tuwing Sabado mula 7:00-8:00 ng umaga. Sa DWIZ 882KHZ, AM BAND.