^

Punto Mo

Kinaiinggitan ka?

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

…hayaan mo sila!

PAYO ng mga madre noong high school pa kami, ipagdasal daw namin ang mga taong naiinggit sa amin. Ipagdasal namin na tulungan sila ng Holy Spirit na maalis sa kanilang kalooban ang “evil feeling”. Tumututol ang kalooban ko sa “heavenly advise” na ‘yun. Ayoko nga na ipagdasal sila! Inggitera sila, magdusa kayo! Ganoon ang attitude ko, dahil tanggap ko, na bahagi ng buhay ang inggitan. Malas mo lang kung ikaw ang inggitera. Kasama ng katotohanang ito, ang isa pa rin katotohanan na: You can’t please everybody.

Iba’t iba ang klase ng mga inggitera. Inggitera ang ginamit ko, pero ang tinutukoy ko ay lalaki at babae. May inggitera na pasimple lang. Hindi sila naninira pero gumagawa sila ng paraan para hindi ka makasali sa mga “acti­vities” na puwede kang mag-“shine” at madaig mo siya. Kung kabilang kayo sa iisang grupo at nagkataong mas powerful sa iyo ang inggitera, iitsapuwera ka lagi niya para hindi ka makabida.

Ang isa pang klase ng inggitera ay ‘yung inggiterang “idiota”. Idiota, kasi hindi marunong magpasimple kagaya ng nauna kong inilarawan.  Gumagawa sila ng mga tsismis na ikakasira ng taong kinaiinggitan nila. Kumbaga, bukong-buko ang pagiging inggitera niya. Sa kaibuturan ng kanilang puso ay alam nilang mas mataas ang kinalalagyan ng kanilang kinaiinggitan kaysa kanila. Ang paninira lang ang alam nilang  makapagpapababa sa taong kinaiinggitan nila.

Sa opisina, sa school o kahit sa circle of relatives at in-laws, mapapansin mo na may isang taong hindi ka type kaibiganin. Day one pa lang ng inyong pagkikita ay may feeling kang hindi ka niya gusto. Matabang siyang makitungo sa iyo. Ayon sa aking nabasa, huwag mo nang tangkain pang alamin kung ano ang ikinaaayaw niya sa iyo, o tangkaing i-please siya, para tanggapin ka niya. Basta’t hayaan mo na lang na ganoon ang sitwasyon—ayaw niya sa iyo—e, di ayaw mo rin sa kanya, at ipagpatuloy mo lang ang iyong buhay. Natatandaan ko pa ang sinabi ng aking propesor: Huwag mo nang hangarin pa na magustuhan ka ng lahat ng tao dahil imposible ‘yun.

vuukle comment

AYOKO

AYON

GANOON

GUMAGAWA

HOLY SPIRIT

HUWAG

INGGITERA

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with