KAHANGA-HANGA ang ginawa ng tatlong leon sa isang 12-anyos na batang babae sa Ethiopia. Iniligtas ng mga ito ang bata sa mga kidnapper. Kinidnap ang bata habang pauwi ito mula sa school.
Ayon sa report, kinidnap ang bata upang sapilitang mapangasawa ng isa sa mga dumukot. Isang linggo nang nawawala ang bata nang matunton ng mga pulis ang pinagtataguan nito. Para hindi mabawi ng mga pulis ang bata, inilipat-lipat ito ng mga kidnaper sa iba’t ibang lugar.
Nang minsang ilipat sa ibang lugar ang bata at dahil hinahabol din ng mga pulis, nakasalubong ng mga kidnapper ang grupo ng tatlong leon. Dahil sa takot sa mga leon, nagtakbuhan ang mga kidnaper at iniwan ang kanilang bihag. Nakapagtataka naman na hindi sinaktan ng mga leon ang batang babae at animo’y binabantayan pa ito hanggang dumating ang mga pulis.
Halos kalahating araw na nakabantay ang mga leon sa bata at hindi man lang sinaktan. At parang may mga isip na nang dumating ang mga pulis at natiyak na ligtas na ang bata ay nag-alisan na ang mga ito.
Milagro ang nangyari dahil karaniwang sinisila ng mga leon ang tao. Ayon naman sa isang eksperto sa mga hayop sa Ethiopia, hindi nilapa ng mga leon ang bata dahil malapit ang tunog ng iyak ng bata sa iyak ng mga batang leon. MaÂaaring naÂawa ang mÂga leon dahil sa pag-iyak nito kaya hindi nila sinaktan at nilapa.
Nahuli ng mga pulis ang apat na kidnaper. Ayon sa isang pag-aaral ng United Nations, karaniwan na ang pagdukot sa Ethiopia ng mga batang babae upang sapilitang ipakasal at gawing asawa.