^

Punto Mo

Sinturon, natagpuan sa baga ng isang lalaki sa India

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SI Anuj Ranjan, 20, isang Indian, ay nagtungo sa isang ospital para magpagamot. Idinadaing niya ang paninikip ng dibdib at pabalik-balik na lagnat. Nagpatingin na siya sa iba’t ibang doktor at iisa lamang ang resulta ng kanilang pagsusuri: may tuberculosis si Anuj at ito ang dahilan ng kanyang mga idinadaing na sakit.

Noong 2010, pinagpasyahan na ng mga doktor na operahan sa baga ni Anuj dahil nagpapakita na ito ng mga delikadong komplikasyon.

Ngunit nagulat ang mga doktor nang buksan ang dibdib ni Anuj. Natuklasan nila na hindi TB ang dahilan ng mga sakit ni Anuj kundi isang sinturon na may habang walong pulgada. Nasa loob ng baga ni Anuj ang sinturon. Nagkaroon na ng impeksyon at ito ang nagdudulot ng mga sakit na idinadaing ni Anuj sa loob ng maraming taon.

Hindi naman makapaniwala ang mga kamag-anak ni Anuj sa natuklasan ng mga doktor. Hindi nila maisip kung paano napunta ang sinturon sa baga ni Anuj.

Nang nagpapagaling na si Anuj bunga ng operasyon sa baga, ipinagtapat niya na naaksidente siya sa sasakyan noong 2006 at iyon ang dahilan bakit nagkaroon ng sinturon sa kanyang baga. Nabangga umano ang kanyang kotse at sa lakas ng pagkakabangga, bumaon ang sinturon niya sa kanyang tiyan. Ayon sa kanya, walang kaalam-alam ang mga doktor na nag-opera sa kanya noon na mayroon pa palang nakabaon na sinturon sa kanyang tiyan. Hindi ito napansin nang tahiin ang kanyang mga sugat mula sa aksidente. Hanggang lumipas ang ilang taon at umakyat ang sinturon sa kanyang baga na nagbigay ng sakit sa kanya.

Hindi malilimutan ni Anuj ang karanasang iyon na ilang taon din ang nasayang sa kanya dahil sa mga sakit na dinulot ng naiwang sinturon sa baga.

ANUJ

ANUJ RANJAN

AYON

BAGA

HANGGANG

IDINADAING

KANYANG

NABANGGA

SINTURON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with