TULAD ng mga yapak sa buhangin na kapag nadaanan ng tubig agad nawawala. Tila ganito ang iniisip natin sa isang desisyong natabunan na ng panahon.
“Binentahan kami ng lupa pero ilang taon na wala pa ang titulo,†simula ni Malou. Taong 2013 nang magkalkal si Marilou Garcia o “Malouâ€, 53 taong gulang, nakatira sa Batangas sa mga kagamitan ng kanyang mister na si German.
“May nakita akong contract to sell ng lupa sa Cavite. Naalala ko na malapit lang dun yung dating karelasyon ng mister ko,†kwento ni Malou. Ang lupa na tinutukoy ni Malou ay sa Pulong Bunga, Silang Cavite. Nakalagay sa dokumento na taong 2003 nang mabili ito ng kanyang mister. Ito ay sa pagitan nina German at ng Cold Breeze Land Dev’t., Corp. na ang Presidente/may-ari ay si Mckoy Bruce.
“Nagkaroon kasi kami ng problema dati ng asawa ko. Nang madestino siya sa Lucena bihira na lang siyang umuwi sa amin,†salaysay ni Malou. Hindi niya napapansin na kulang ang iniaabot na sahod ng mister dahil malaki ang kinikita niya sa kanyang negosyong babuyan. May nakapagsabi lang sa kanya na may babae umano ito sa lugar kung saan naroon.
“Para kumpirmahin yun, nagpunta ako sa Lucena at naituro sa akin yung babae,†wika ni Malou. Hindi napigilan ni Malou ang kanyang sarili kaya sinabunutan niya ito at sinabi na layuan ang kanyang asawa dahil ito’y may pamilya na. Buong akala ni Malou ay naeskandalo niya ang babae at nakipaghiwalay na sa kanyang mister.
“Malaman-laman ko dun pala sa bahay ng babae umuuwi ang asawa ko,†ayon kay Malou. Taong 2000 nang mangutang sa Armed Forces and Police Savings & Loan Association, Inc. (AFPSLAI) ng Php170,000.00 ang kanyang mister. Ginamit umano ito ng nobya ni German upang makapunta ng Italy. Nang malaman yun ni Malou siniguro niyang nakaalis na nga ang babae at malayo na sa mister. Inalam niya ito sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ito’y nasa Italy na.
“Nakumpirma ko naman na talagang nandoon na siya noong 2001,†kwento ni Malou. Napag-alaman ni Malou na nagkaroon na ng nobyo ang babaeng kinalokohan umano ng mister noon kaya nagtapos ang relasyon ng dalawa. Mula nang matagpuan ni Malou ang isang kasunduan sa bilihan ng lupa inalam niya ang lahat ng impormasyon tungkol dito. Halagang Php330,000.00 ang kabuuang halaga ng 220sqm na lupa sa Pulong Bunga, Silang, Cavite. Nakapagbayad na ng Php300,000.00 si German at ang kulang na tatlumpung libong piso ay babayaran kapag nailipat na ang titulo.
“Agad akong nagpunta dun sa lugar. Nakausap ko ang misis ni Bruce na si Luzviminda. Nalaman kong 2005 pa namatay si Bruce,†kwento ni Malou. Lumapit si Malou sa barangay at pinatawag sila doon noong ika-9 ng Abril 2013. Napag-alaman ni Malou na iba ang lumalabas na may-ari ng naturang lupa at walang sukat na 220sqm. Para di na magtagal ang usapan nangako si Luzviminda na ibabalik na lamang ang kanilang ibinayad. Nang komprontahin niya ang mister tungkol sa lupa sinabihan siya nito na huwag nang habulin dahil wala umano iyon. Hindi na nakasagot si German nang sabihin ni Malou na nakausap na niya si Luzviminda. Lumapit din si Malou sa Register of Deeds at ibang lupa ang sumasakop sa tax declaration number na nakalagay sa kasunduan ng bilihan. Isang nagÂngangalang Conrado Bayla, tiyuhin ni Luzviminda ang tunay na may-ari ng lupang ito. Matandang binata umano ito at ang tamang sukat ay 500sqm.
“Hindi namin alam kung paano hahabulin ang lupa. Ayon sa barangay marami din daw na pinagbentahan itong si Bruce dati,†pahayag ni Malou. Nangako din ang asawa ni Bruce na ibabalik ang pera noong Disyembre 2013 dahil ayon dito may bibili na umano ng lupa ngunit hindi naman ito natupad. Nakakuha na si Malou ng Certificate to File Action at nagsampa siya ng kasong ‘Estafa’ laban kay Luzviminda. Nais ni Malou na makuha ang titulo ng lupa ngunit kung walang maiibigay ang panig nina Luzviminda ay ibalik na daw lamang ang kanilang pera.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Malou.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, sa pagbili ng lupa dapat tayong maging maingat dahil hindi maliit na halaga ang pinag-uusapan dito. Isang pagkakamali lamang pwedeng masimot ang lahat ng iyong pinaghirapan. Ang transaksiyon ay sa pagitan ni Mckoy Bruce at ni German dahil namatay na si Bruce ang aspeto ng kasong criminal tulad ng Estafa ay maisasama na niya sa hukay. Ang maaaring gawin nitong si Malou ay magsampa ng kasong sibil sa ilalim ng ‘principle of conjugal partnership’ at makuha ang ibinayad nila. Kung ano ang maibibigay ni Luzviminda yun ang tanggapin mo kung pera, kunin mo na kaysa makawala pa. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor City State Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.