^

Punto Mo

Layunin ng pagba-budget

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

NARITO pa ang mga natutunan ko sa seminar ni Mr. Chinkee Tan na may kaugnayan sa pagba-budget.

Akala ng iba, ang budgeting ay pagtitipid. Hindi po. Ayon kay Tan, ang budgeting ay allocation ng partikular na halaga para sa iba’t ibang pangangailangan natin. Budget sa pagkain, grocery, pamasahe, pang-gas, at iba pa.

Ang tamang pagbubudget ay nagsisimula umano sa pagli­lista. Dahil ang layon nito ay ang ma-manage ng tama ang iyong pera. Unang dapat gawin ay ilista ang mga pinagkakagastusan.

Sabi ni Tan, kahit anong nais mong bilhin ay puwede basta may budget ka para rito.Hindi mo kailangangn dumukot sa budget mo sa ibang bagay upang magkaroon ng budget para sa gusto mong bilhin. Inisa-isa rin niya ang mga goals ng budgeting:         

B – Boundaries. Sa pamamagitan ng budgeting ay matutukoy mo ang iyong limit. Kung hanggang saan ka lang dapat gumasta. Dahil kung hindi ay made-danger zone ka, mao-overbudget dito at kukulangin sa ibang areas, o baka umutang nang hindi mo namamalayan.

U – Unwanted stress and pressure ay naiiwasan. Totoo nga naman, kapag alam mo lang ang dapat mong pagkagastahan, hindi ka matataranta at mai-stress. At least sa simula pa lamang ng buwan, alam mo na kung ano ang gastusing kakaharapin mo. Dahil nakatala, may ideya ka na.

D – Debt-free. Kapag may budget ka, chances are hindi ka magkakautang dahil alam mo lang na kung ano ang mayroon ka, ano lang ang hawak mo, ang siya mo lang dapat na gastusin. At hindi mo kailangang mangu­tang para mabili ang mga pangangailangan mo.

G – Generate and give. Ang isa sa mga natutuklasan mo sa pagba-budget ay kung magkano ang dapat mong kitain para may panggastos ka sa mga pangangailangan mo. So you know how much income to generate and give in all areas in your life.

E – Eradicates impulse buying. Dahil alam mo na ang budget mo sa lahat, pati na rin sa pagsho-shopping, hindi ka na maa-out of focus kapag may sale sa mall, dahil alam mo na kung may alokasyon ka ba sa shopping o wala dahil sa dinidikta ng budget mo.

T – Trust God - natututo kang magtiwala sa Diyos at sa Kanyang kakayanang ibigay ang iyong mga panga­ngailangan.

AYON

BUDGET

DAHIL

DIYOS

MR. CHINKEE TAN

TRUST GOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with