EDITORYAL – Kaligtasan ng mamamayan habang nasa mall
SAAN pa bang lugar ligtas? Nagbibigay ng pangamba ang panghoholdap sa loob ng mall. Kung saan ang matao, doon sila at wala na sa kanilang isip kung sino man ang madamay sa isasagawang pangungulimbat. Basta ang malinaw ay isagawa ang plano at bahala na kung may madamay na sibilyan. Patay kung patay!
Ganito ang ginagawa ng “Martilyo Gang†na maraming ulit nang sumalakay sa mga jewelry store na nasa loob ng SM. Tinaguriang “Martilyo Gang†dahil gumagamit ng martilyo, pipe wrench at iba pang solidong bakal na pambasag sa eskaparate ng jewelry stores. Noong nakaraang Disyembre 2013, pinasok ng “Martilyo†ang jewelry store sa SM-North EDSA at tagumpay na nakuha ang mga alahas na umano’y nagkakahalaga ng milyong piso. Ang martilyong ginamit ay binili umano sa hardware store na nasa loob ng mall. Bago pa ang pagsalakay sa SM-North EDSA, sumalakay na rin ang “Martilyo†sa jewelry store sa Sta. Cruz noong 2001 at sa isang mall sa Taguig noong 2009. May mga naarestong miyembro ang pulisya pero muli umanong nagbubuo ng grupo at target pa rin ang mga jewelry stores.
Nakapagtataka naman kung bakit naging paborito ng “Martilyo†ang mga jewelry store sa loob ng SM. Ang pinaka-huling pangyayari ay ang nangyaring pagnanakaw sa SM-Mall of Asia noong Marso 30 ng gabi. Armado sila ng baril at pipe wrench ang mga suspect at matagumpay na nailusot sa mga sekyu ng SM. Binasag ang eskaparate at nakuha ang mga alahas. Nagtakbuhan sa takot ang mga tao nang makipagbarilan ang mga suspect sa dalawang babaing pulis. Isa ang nadakip. Ayon sa mga pulis, nakatakas ang mga suspect nang humalo sa mga taong nagtatakbuhan.
Palaisipan kung paano naipasok sa mall ang baril at pipe wrench. Ayon sa securituy ng mall, lagi naman silang nagrerekisa. Marahil, dapat nang paigtingin ng pamunuan ng mall ang seguridad. Maaari naman silang bumili ng sophisticated na gamit upang ma-detect ang mga dalang gamit (baril, martilyo, patalim at iba pa). Kaya ng mall na pigilan ang mga masasamang loob kung gugustuhin. Iprayoridad ang kaligtasan ng mamamayan na tumatangkilik sa mall. Ilayo sila sa anumang kapahamakan habang nasa nagrerelaks sa mall.
- Latest