“NAGMAMADALI ako sa paglalakad. Hindi ko pinapansin ang lalaking nakatingin sa akin kanina nang lumabas ako sa gate. Sa isip ko, baka naman hindi ako ang minamatyagan ng lalaki at nagkataon lamang na naroon at may ibang hinihintay.
“Ang dadaanan ko ay kakahuyan bago makara-ting sa kalsada. Malago rin ang mga damo sa dakong iyon. Kahit na maliwanag ang sikat ng araw ay may kaba akong naramdaman nang dumaan sa ilalim ng mga kahoy. Aywan ko kung bakit. Siguro ay dahil hindi ako sanay sa ganoong kapaligiran. Sanay kasi ako sa Maynila na pawang sementado ang dinadaanan at mga matataas na building ang nakikita sa halip na mga kahoy at malalagong damo.
“Patuloy ako sa paglalaÂkad. Nang mismong nasa gitna na ako ng kakahuyan, naramdaman ko na parang may sumusunod sa akin. Nararamdaman ko ang yabag at pagtapak sa mga tuyong dahon ng kahoy. Pero hindi ako lumilingon. Ayaw kong magpahalata sa kanya na nararamdaman ko ang pagsunod.
“Binilisan ko ang paglalaÂkad. Kung ang nasa likuran ko ay ang lalaking nasulyapan ko kanina habang palabas ako ng gate, delikado ako. Baka ito ang asawa ni Mahinhin at balak na akong patayin. Bigla itong umuwi at gustong hulihin sa akto ang ginagawa namin. Pero bakit hindi kami hinuli kanina habang mayroong ginagawa. Bakit ngayon lang ako susundan?
“Nagmadali pa ako sa paglalakad. Hindi ako lili-ngon. Kapag nakakita ako nang magandang tiyempo ay tatakbo na ako. Hindi ako magpapaabot sa sumusunod sa akin. Tiyak na armado ito --- maaaring may patalim o baril. Hindi ito kikilos nang ganito kung walang armas. Baka pag inabutan, sasaksakin ako sa likod o kaya ay babarilin. Wala akong kalaban-laban. Puwede akong itapon sa kakahuyan kapag napatay.
“Pinakiramdaman ko pa ang nasa likuran ko. Nariri-nig ko ang pagtapak sa mga tuyong dahon. Mabilis din ang paglalakad. Hinahabol ako.
“Ipinasya ko nang tumakbo. Malapit na naman ang kalsada at maaaring mayroon nang mga tao roon. Binilisan ko. Walang puknat!†(Itutuloy)