MINSAN na ba kayong nagulat dahil sa laki ng pagbabayaran sa inyong cell phone sa kabila na hindi naman maganda ang serbisyo nito?
Kung sa akala n’yo sa Pilipinas lang nagkakaroon ng problema ang mga subscribers, nagkakamali kayo sapagkat ganito rin ang sitwasyon sa Amerika kung saan madalas nakakaranas ang subscribers ng mga napuputol na tawag at pagkawala ng signal sa kabila na mataas ang binabayaran buwan-buwan.
Ganito ang naranasan ni Corey Taylor, isang consultant mula sa Chicago. Ayon kay Corey, bulok ang serbisyo ng cell phone company suÂbalit malaki ang kanyang pagbabayaran.
Napuno na si Corey sa laki ng sinisingil sa kanyang bill na nagkakahalaga ng $175 (katumbas ng P8,000). Kaya isang paraan ang naisip ni Corey. Kaysa pumunta sa opisina ng cell phone company para magreklamo, peneke niya ang kanyang kamatayan para makatakas sa pagbabayad.
Ayon sa kontrata ni Corey at kanyang network, hindi siya basta-basta makaaalis mula sa kanyang subscription maliban na lamang kung siya ay mamatay. Ito ang nagtulak kay Corey na magkunwaring namatay sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. KinaÂsabwat niya ang mga kaibigan at ang mga ito ang nagpadala ng death certificate at iba pang dokumento patunay na patay na si Corey.
Subalit nag-imÂbestiga ang cell phone company at nabuking ang pagpeke ni Corey sa kanyang kamatayan. Pinagbayad pa rin siya ng kompanya.
Hindi naman pinagsisihan ni Corey ang ginawa. Naniniwala siyang nakapagbigay ng importanteng mensahe sa cell phone networks upang pagbutihin ang kanilang mga serbisyo.