MAGKAKABIT ng 185 CCTV cameras sa lansangan si Manila Mayor Erap Estrada sa 77th birthday niya sa April 19 para masawata ang kriminalidad at mamonitor din at maiayos ang daloy ng trapiko sa siyudad. Nagtayo rin si Erap ng command center na armado ng state-of-the-art surveillance equipment para maayudahan ang CCTV cameras sa pagsugpo ng kriminalidad at magiyahan maging ang disaster preparedness ng City Hall. Paiilawan din ni Erap ang halos lahat na lansangan ng Maynila bilang isa ding crime deterrent. Hindi biro ang gagastusin sa mga proyektong ito ni Erap, di ba mga kosa? Mismo! Kaya ang ibig sabihin nito may pera ang kaban ng Maynila. T’yak ‘yun! Kung sabagay, malaking salapi ang nakubra ng City Hall sa 100 percent realty at iba pang tax increase nila nitong pagpasok ng taong 2014, di ba mga kosa? Hehehe! Huli na ang pasisisi ng mga botante!
Subalit kapag naniningil nang pautang ang mga suppliers sa City Hall ang palaging dinadahilan ng bataan ni Erap ay wala silang pera? Ito palang liderato ni Erap ay ayaw magbayad sa mga suppliers na ang mga epektos ay nagamit na at milyones ang halaga mga kosa. Ang binabayaran lang ni Erap ay ang suppliers na pumasok sa panahon niya. Ang suppliers noong panahon nina dating Mayor Lito Atienza at Alfredo Lim ay luhaan sa ngayon. Habang nag-iisip ng paraan naman ang mga dating suppliers para makasingil, aba may tumatawag sa kanila para gumitna. Ang ibig kong sabihin mga kosa, may mga fixer sa City Hall ni Erap. Nilinis na ni Erap sa fixers ang City Hall subalit ang maliliit lang ang tinatamaan at ang natira ay mga malalaking isda. Hehehe! Kanya-kanyang raket lang ‘yan, di ba Mayor Erap at Vice Mayor Isko Moreno Sirs?
Dumaan na ang ilang quarter subalit walang ni ugong man lang sa City Hall na magbabayad sila sa mga suppliers. Ang balita pa, may grupong tumatawag sa mga suppliers para makatulong sa pagsingil ng pautang sa kanila. Ang siste lang, sumisingil ang bigtime fixers ng 15 porsiyento. Ayon sa isang konsehal at engineer na kaalyado ng Erap-Isko tandem, ito na ang kalakaran sa ngayon ng City Hall. Alam kaya ito ni City Hall administrator Simeon Garcia? At ito namang si Garcia ay bukambibig ng gambling lord na si SPO2 Gener “Paknoy†Presnedi. Habang hindi kinakalos ni NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria si Presnedi, aba ang imahe ng PNP ang nasisira. Dapat mamili si Presnedi kung ano ba talaga ang gusto niya --- ang magsilbi sa publiko tulad ng sinumpaan niya o maging gambling lord na kumikulimbat ng pera ng bayan, di ba mga kosa? Mismo!
Kung sabagay, hindi lang ang kampo ni Erap ang sangkot sa tong collection activities sa illegal gambling kundi maging ang kay Isko sa katauhan nina Mini Cooper at Athan. Puro pagkapitsaan na lang ang inaatupag nitong Erap-Isko tandem at parang naghahanda na sila para sa 2016 ah? Abangan!