Discipleship group
NITONG nagdaang linggo, tumawag ako ng kauna-unahang general assembly para sa aking official resellers. Iyon ay para magkakilanlan kami at makapag-discuss ng mga concerns at issues na may kinalaman sa aming mga transaksyon sa negosyo. Tinipon ko sila para magkaroon kami ng sharing group o discipleship. Ninais kong ibahagi sa kanila kung sino ang nasa likod ng tagumpay ng aking pagiging panadera – ang Diyos.
Ibinulong sa akin ng Diyos sa simula ng taong ito na kung nais kong mapalawak ang aking baking, hindi lamang ang pagtatayo ng shop o cafe ang aking opsyon. Itinanim Niya sa akin ang ideya ng pagkakaroon ng mga resellers sa mga probinsiya para rin mailapit doon ang Nutella Rocks, sa mga nalalayuan sa Maynila. Subalit higit pa para sa pagpapalaki ng Baked Bites by ABC, ang mas malaking hamon at utos Niya sa akin ay ang pagpapalaki ng kanyang kaharian dito sa lupa.
Ibinahagi ko sa kanila ang pitong punto:
1. Fasting and Prayer - hindi natin kakayanin hindi ipagdasal ang mga bagay-bagay sa ating buhay, lalo na kung ito ay may kinalaman sa ating trabaho. Tinuruan ko silang magfasting ng 2 o 3 araw upang magdasal at isakripisyo ang mga bagay na pinakagusto nila at unahin ang Diyos, at manatiling tahimik at hintaying ibulong sa kanilang mga puso ang anumang mensaheng nais ng Diyos para sa kanila. Sabi ko rin, dapat ipagdasal nila na sila ay pagkalooban ng kakayahang magdesisyon ng tama.
2. Ask. Obey. Wait. Receive. Thank. Receive. Ito ang aking formula kapag may hinihingi o ipinagdarasal ako sa Diyos - pagkatapos kong hingin ang nais mo sa pamamagitan ng dasal, ginagawa ko ang lahat para manatiling masunurin sa mga utos Niya, habang ako ay naghihintay. At kapag ipinagkaloob na ang sagot o hiling, magpapasalamat at magugulat kang mas maraming darating pa na ipagpapasalamat mo.
3. Tithing – pagbibigay ng unang sampung kapat ng iyong kita sa Diyos. Principle of First Fruits ito. Kung saan hinihingi lamang ng Diyos ay 10% at ipinapangako niyang Siya na ang bahala sa nalalabing 90%. Dito masusubok ang iyong paniniwala na ibabalik ng Diyos ang kabutihang loob mo.
4. Self-reminder/Life verse. Mula sa Bibliya ang aking life verse, sa Philippians 4:13 “I can do all things through Christ who gives me strength.†Dahil talagang hindi ko alam kung papaano ko nagagawa ang lahat ng aking ginagawa dahil hindi ito pawang lakas lamang ng tao. Diyos ang nagbibigay sa akin ng “super powers.†Makakatulong sa kanila ang pagkakaroon ng mga katagang magpapaalala sa kanila o magpapataas ng morale kapag sila ay napapagod na o nanghihina.
5. Trust and Provision – Marami sa aitn ang halos lawit na ang dila sa pagtatrabaho sa takot na hindi magkaroon ng sapat na panggastos, pangkain o pambayad. Pero itinuro ko sa kanila na manalig na ibibigay ng Diyos ang lahat ng ating pangangailangan. Kailangan lamang nating magtiwala sa Kanya.
6. Attitude of Gratitude – Itinuro ko sa kanila na ipagpasalamat ang lahat ng bagay. Dahil kapag thankful ka, darami ang mga bagay na ipagpapasalamat mo pa.
7. Pagkakaroon ng priorities sa buhay. Tamang priorities: JOY - Jesus, Others, Yourself. Unahin ang Diyos, saka ang iba, bago ang sarili. Kapag nasa ayos ang mga bagay sa buhay mo, ikaw ay bibiyayaan. Joy at hindi happiness ang dapat na inaasam matamo sa buhay. Ang happiness ay nakabase sa mga happenings. Kapag maganda ang mga pangyayari, masaya ka, kapag pangit, malungkot ka. Dapat ay matutunang maging masaya anuman ang pangyayari sa kapaligiran at buhay.
- Latest