Ang Kakambal ng True Love
NA-STROKE ang mister sa edad na 28. Hindi ito nakakapagsalita at baldado ang kanang katawan. Dulot ng kalagayang ito, ang mister ay naging sumpungin. Isinusulat niya sa papel ang nais sabihin. Palibhasa ay right-handed, madalas ay hindi maintindihan ang kanyang handwriting dahil kaliwa ang ipiÂnanÂsusulat. At kapag hindi agad naintindihan ng mga kasama sa bahay ang kanyang isinulat ay magdadabog ito at ibabato ang anumang gamit na mahawakan. Si Misis ang laging nababato ni Mister dahil baby pa ang mga anak at hindi pa puwedeng makipag-communicate sa kanya. Madalas ay pinapatulan ni Misis ang sumpong ng kanyang asawa. Minsan ay ibinato rin niya kay Mister ang ballpen na ibinato sa kanya. Tumama ang ballpen sa mata ni Mister. Mabuti na lang at hindi malala ang tama. Kung nagkataon, baldado na nga, bubulagin pa niya.
Si Misis ay medical secretary ng isang doctor. Minsan ay may matandang mag-asawa na parehong otsenta anyos ang dumating sa clinic. Ang matandang babae ay may Alzheimer’s disease. Habang naghihintay ang mag-asawa ng kanilang schedule ay dumaing ang matandang babae na nagugutom daw siya. May biscuit na kinuha ang matandang lalaki sa bag na bitbit nila at buong pagmamahal na sinubuan ang asawa. Ilang saglit lang ay biglang nagbago ang mood ng matandang babae at hinampas ng kanyang tungkod ang matandang lalaki. Napa-aray ito. Nagsalita ang matandang babae: “Magnanakaw! Bakit mo pinakikialaman ang aking bag?â€
“Hindi ako magnanakaw, ako si Marcelo, asawa mo. †Napatigil ang babae. Parang pinag-iisipan niya kung totoo o hindi na asawa niya si Marcelo.
Sandaling sinamahan ng maid na tagatulak ng wheelchair ang matandang babae sa rest room kaya nagkaroon ng pagkakataon ang secretary na magtanong:
“Ilan taon na pong may Alzheimer’s ang misis n’yo?â€
“Limang taonâ€
“Natitiis n’yo po ang ugali niya? â€
“Ang tunay na pagmamahal ay may kasama laging pagpapasensiya. Sa akin dapat manggaling ang pasensiya dahil ako ang walang sakit.â€
Nainggit siya sa mahabang pasensiya ng matandang lalaki. Nangako siya sa sarili na mamanahin niya iyon.
- Latest