^

Punto Mo

Peace deal, busisiin ang legalidad

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NGAYONG nalagdaan na ang kasunduan sa pagitan ng gobyerno at MILF, dapat lang na ito ay busisiin ng Kongreso at Supreme Court para matiyak na legal ang lahat at walang nalabag o lalabaging batas.

Lahat ay umaasa na magsisilbing daan ito upang magkaroon na ng tunay na kapayapaan at katahimikan sa Mindanao ma­tapos ang ilang dekadang laba-nan doon.

Pero hindi makatarungan ang mga panawagan na huwag na raw kuwestiyunin ng SC ang peace deal para hindi na mabulilyaso ang kasunduan.

Ibig bang sabihin, hindi tiyak na legal ang lahat kaya may nananawagan na huwag na iakyat sa SC ang peace deal?

Mainam na masuri ito ng SC para makita kung walang nalabag sa konstitusyon ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) para walang balakid dito.

Bubuhusan ng bilyon-bilyong pondo ng bayan ang CAB kaya dapat lang tiyakin na hindi masasayang ang pondo dahil legal ito .

Ang masaklap ay baka may nalabag sa Konstitusyon at ipinilit lang na malagdaan agad ang CAB at sa dakong huli, masayang lang ang oras at pera ng taumbayan na inilaan dito.

Naniniwala ako na hindi naman kokontrahin ng SC ang CAB kung wala silang nakitang paglabag. Magsisilbi nga itong katiyakan sa gobyerno na puwedeng magbuhos ng bilyong pisong pondo para sa hinahangad ng kapayapaan sa Mindanao.

Lahat ay may pakialam sa CAB dahil pera ng taumbayan ang gagastusin. Kung magiging matahimik ang Mindanao, magiging produktibo ang mga kababayan natin na maaring umangat ang kanilang kabuhayan. Dahil dito gagaan ang res­ponsibilidad ng gobyerno.

Tiyakin ng mga senador at kongresista na magiging pulido ang CAB at walang malalabag ng batas. Ang gagawing pagbusisi ng mga mambabatas hindi dapat gawin upang hanapan ng butas ang peace deal. Tiyakin lang na ito ay legal at puwedeng paglaanan ng bilyong pisong pondo mula sa kaban ng bayan.

Huwag ding gamitin ng ilang pulitko na may ambisyon sa 2016 presidential elections ang peace deal na ito sa halip ay mangibabaw ang katiyakan na magtatagumpay para sa interes ng buong bansa.

 

BANGSAMORO

BUBUHUSAN

CAB

COMPREHENSIVE AGREEMENT

DAHIL

LAHAT

MINDANAO

SUPREME COURT

TIYAKIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with