PNPA Mandilaab Class of 2014

Dalawandaan at dalawang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) Mandilaab Class of 2014 ang magtatapos ngayon sa 35th Commencement Exercise Academy ng akademya at si Pangulong Noynoy Aquino nga ang pangunahing bisita .

Gagawaran o iko-confer ang mga magtatapos ng  Bachelors of Science in Public Safety.

Pero eto ha, katulad ng naganap na graduation sa Philippine Military Academy (PMA) kamakailan, meron din palang isyung nababalot sa graduation ng PNPA.

 Ang paggawad o conferment ng Degree ay ibibigay ayon sa programa ni PNPA Director C/Supt Noel Constantino.

Pero kinuwestyon ni Phil.  Public Safety College (PPSC) President Atty.  Ruben Platon ang awtoridad ni Director Constantino sa paggawad ng Degree sa graduation.

Sa Memorandum  ni Atty.  Platon kay director  Constantino, na copy furnished ang Malacañang at DILG, wala umanong awtoridad ang PNPA director sa paggawad dahil naayon sa batas na ang conferment o paggawad  lalu na sa diploma ay tanging sa PPSC president lamang. At dito ayon kay Platon initsupwera siya sa conferment.

Nangangamba si Atty Platon na baka ma -kuwestyon ang Eligibility ng mga graduates pagdating sa Civil Service Commission at mawalang bisa ang eligibility ng mga graduates.

Ayon naman kay  Constantino, ang conferment o paggawad ay isang aktong administratibo kaya pwede siya ang umakto sa paggawad Base aniya sa batas ay awtorisado ang PNPA director na gawin ito.

Gayunman, ayon kay DILG Undersecretary Edwin Enrile, inabisuhan na niya ang PNPA director na siguruhing hindi ma-prejudice ang mga kadete tungkol dito .  Ang mahalaga—aprubado na ni DILG Secretary Mar Roxas ang listahan ng mga ga graduates ngayong araw na ito.

Kailangan sigurong malinawan ng DILG ang isyu sa kontrobersiyang ito lalu’t di natin alam ang posibleng epekto nito sa institusyon.  Ayon nga kay Atty Platon kung sa PMA ay isang kadete ang nagkaroon ng isyu na hanggang ngayon ang usapin ay nakadulog pa sa Korte Suprema.

Dito buong klase ng magtatapos ang posibleng magkaproblema at makuwestyon sa CSC sa di kalaunan .

Sana nga ay maigi itong pag-usapan para na rin sa mga magtatapos na kadete. Aantabay tayo sa mga kaganapan.

 

                                   

 

Show comments