“MADILIM sa loob ng unang kuwarto. Wala akong makita. Tinawag ko si Mahinhin pero wala pa ring sagot. Umatras ako. Delikado. Baka biglang may sumaksak o bumaril sa akin. Isinara ko ang pinto.
“Nag-isip ako kung ipagpapatuloy pa ang paghahanap kay Mahinhin na biglang nawala. Ano kaya ang balak sa akin ng babaing iyon ay parang nakaplano ang mga nangyari?
“Ilang sandali pa akong nakatayo at nag-iisip kung itutuloy ang paghanap kay Mahinhin. Binilang ko ang mga kuwarto. Lima! Malaki kasi ang bahay kaya may limang kuwarto. Parang kuwarto sa ospital na magkaÂkatapat. Hindi ko naman napagmasdang mabuti ang kuwarto na una kong pinasok. Hindi ko alam kung may kama roon dahil nga madilim,†tumigil sa pagsasalita si Basil at pagkaraan ay bumuntunghininga. Malalim.
“Ano po ang ginawa mo?†tanong ni Drew.
“Sayang ang pagpapagod ko sa paghahanap kay Mahinhin kung ititigil ko iyon. Nasimulan ko na rin lang ang paghahanap kaya dapat nang ituloy. Siguro naman ay walang mangyayari sa akin. Kung may mangyayari, sana ay kanina pa. Kung mayroong kasama si Mahinhin, dapat ay kanina pa ako naupakan.
“Naisip ko ng mga sandaÂling iyon na nakikipaglaro si Mahinhin. Sinadya niyang magtago para hanapin ko. Kakaibang style ang ginagawa niya. Pero bakit kaya kailaÂngan pa akong pagtaguan?
“Ipinasya kong halugÂhugin ang bawat kuwarto. Binuksan ko ang katapat na kuwarto na una kong nabuksan. Wala ring tao roon. Nakabukas ang ilaw. May kama at iba pang gamit doon.
“Lumipat ako sa ikatlong kuwarto. Wala rin si Mahinhin doon. Maliwanag din sa kuwarto. Sa ikaapat na kuwarto ay wala rin akong nakita. Maliwanag din doon at may kama.
“Sa ikalimang kuwarto na aking pinasok, ubod ng dilim. Pumasok ako inaninaw kung may gamit. Hanggang sa may sumunggab sa akin. Tinakpan ng panyo ang aking bibig…â€
(Itutuloy)