INIISIP mo pa lang ang ginto nasisilaw ka na…ano pa kaya kung hawak mo na ito di kaya tuluyang mabulag ka?
Sa laki ng maaaring kikitain ng kanilang pera kaysa ilagay ito sa bangko na hindi na ganun kalaki ang interes, naengganyo sina Racquel Tongco-40, Ma. Cristina “Tin†de Vera-35, Tessie Nubla-57, Catherine Vegino-34, Monica Atienza-31 at Gina Morales-36 na sumali sa negosyo ng isang kakilala. Unang nilapitan ni Almira Mariano si Racquel. Kaklase ito ng kanyang anim na taong gulang na anak na nag-aaral sa De La Salle University, Araneta. “Nagkakasama kami sa mga meeting ng mga anak namin kaya kami nagkakilala,†wika ni Racquel.
Nang nagkakakwentuhan na umano sila nagsabi itong si Almira na may negosyo siya, ang Inchie Trading. May mga oorder na kliyente at sila ang magdedeliver. Pag-aari daw ito ng kanyang asawang si Ricardo ngunit siya ang namamahala. Niyaya siya ni Almira na pumasok sa negosyo nito. Nung una tumanggi pa si Racquel.
“Magbibigay ka lang ng pera pangapital. Ten percent bawat linggo ang makukuha mo,†sabi umano ni Almira. Bandang huli napapayag si Racquel na maglabas ng pera para sa negosyo ni Almira.
Mayo ng taong 2012 nang magbigay siya ng Php30,000.00.
“Nung unang buwan walang naging palya sa pagbabayad niya ng tubo. Nung naÂngailangan siya ng pera nagbigay ako. Bigas naman daw ang idedeliver,†kwento ni Racquel. Nagdagdag ng dalawampung libong piso si Racquel. Hindi niya nakita na magkakaroon sila ng problema ni Almira nang mga panahong yun. Ang mga kasamahan ni Racquel ay hinikayat din ni Almira na mag-invest sa sinasabi nitong negosyo.
“Umabot ng Php150,000.00 ang na-invest ko sa trading business niya,†pahayag ni Tin. Ang iba nilang kasamahan ay naglabas din ng kani-kanilang pera.
“Nagsimula nang dumalang ang pagbibigay niya. Marami siyang dahilan. Hindi daw natuloy ang pagdedeliver kaya sa susunod na linggo na lang. Pumayag naman ako,†salaysay ni Racquel.
Setyembre 2013 muli siyang nagbigay ng Php40,000.00. Iniisip niyang kahit na pumapalya ng kaunti si Almira kung mabibigay naman sa kanya ang tubo ay kikita pa rin siya. Mula sa lingguhang pag-aabot ng interes naging dalawang beses na lamang sa isang buwan. Dahilan ni Almira minsan na lamang daw magpadeliver ang kliyente. Dito na nakatunog si Racquel kaya unti-unti na siyang nag-isip ng dahilan kung paano mababawi ang perang kanyang ninegosyo.
“Ibinigay niya naman ang tatlumpung libong piso ng hulugan,†wika ni Racquel. Nag-usap usap din silang magkakaibigan at sinabi nila kay Almira na ipu-pull out na nila ang kanilang pera. Nagbigay ito ng petsa kung kailan magbabalik ng pera at nag issue din ito ng tsekeng ‘pay to cash’.
“Isang araw bago namin kolektahin ang pera tatawag si Almira at sasabihing wala siyang nakuha,†kwento ni Racquel.
Enero 16, 2014…nagkita-kita silang lahat kasama si Almira.
“Kasinungalingan lang lahat. Kayabangan lang ang sinasabi kong negosyo. Wala talagang Inchie Trading,†amin umano ni Almira sa kanila. Nagalit ang grupo nina Racquel at inaway nila si Almira. Ang ilan sa kanila ay hindi alam ng asawa ang pinasok na pakikipagnegosyo.
“Parang pinlano niya ang nangyari. Andun ang nanay niya na iyak ng iyak at kapatid. Sinadya niyang isama ang nanay niya para maawa kami,†sabi ni Tin. Hindi nito binanggit kung saan dinala ang pera. Wala din daw siyang bisyo. Nag-issue ito ng mga tseke para makabayad. Umaabot ng mahigit kalahating milyon ang perang nakuha ni Almira sa grupo nina Racquel.
“Mabuti na lang may pinapirmahan kami sa kanya at pinanotaryo namin kundi baka takbuhan kami nun,†pahayag ni Tin.
“Nagtiwala kami sa kanya dahil nanay din siya. Hindi namin naisip na lolokohin niya kami ng ganito,†ayon kay Catherine.
Itinampok namin sila sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 2:30pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn). BILANG TULONG ini-refer namin sila kay PSSUPT. Rudy Lacadin, Deputy Director for Operations ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at kay Atty. Julan Ilao ng Public Attorney’s Office upang magabayan sila sa pagsasampa ng kaukulang kaso.
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, maaaring magsampa ng kasong ‘Large scale estafa’ ang grupo nina Racquel laban kay Almira. Malinaw na may nangyayaring panloloko at pandaraya sa pagitan nila. Bakit Large Scale Estafa at hindi Estafa lamang? Dahil ang mga nabiktima ay umaabot sa lima. Di gaya ng estafa na iisa o dalawa lamang. Maliban pa dito ang large scale Estafa, kapag ikaw ay napatunayan sa preliminary investigation na may ‘probable cause’ ikaw ay hindi papayagang makapag piyansa.
Sa simula ay mas pinasasabik kayo nitong si Almira dahil inaabot niya ng maayos ang interes ngunit nang dumami na kayo nagkaproblema na. May mga pinirmahan siyang papel sa inyo na inaamin niya ang kanyang pagkakautang na magagamit niyo laban sa kanya. Sa isang huling ulat nais naming ipaalam sa lahat na nakatakda na ang kanilang preliÂminary investigation sa April 4, 2014 at May 9, 2014. Pamamahalaan ito ni Asst. City Prosecutor Grace Lydda F. Lariego. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor City State Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.