ANG isang lider, anuman ang mga hindi inaasahang pangyayari sa bansa, hindi niya dapat ibunton ang sisi kay estas, kay hudas, kay barabas o sinumang talpulano.
Natalakay ko sa aking programa sa BITAG Live sa Radyo sa Radyo5 ang nakagawian ng pangangatwiran at pagdadahilan sa gobyerno.
Mapa-palasyo, ehekutibo at lehislatibo, kapag may problema at aberya, may nakahanda na agad na mga palusot at dahilan.
Sinisisi ang mga bagyo at kalamidad sa mga problemang naglabasan tulad ng sa kawalan ng trabaho.
Nitong nakaraang araw, nagkaaberya na naman ang opeÂrasyon ng Metro Rail Transit. Sa halip na humingi ng paumanhin at magpakumbaba si Transportation and Communication Secretary Joseph Abaya, pagkahaba-haba ng eksplanasyon at dahilan.
Hindi na interesado ang mga tao sa aspetong teknikal ng MRT dahil matagal na ang problemang ito. Tiis-tiis lang daw muna dahil sa 2016, madadagdagan na ang mga bagon o coaches ng tren.
Kamakailan, tinawag ni Senator Sergio Osmeña si Pangulong Aquino sa ugali nitong “teka-teka†o “wait, wait attitude.â€
Ayon sa dating campaign manager ng partido Liberal noong 2010 national elections, patapos na ang kaniyang termino, wala pa ring nasisimulang proyekto. Kilos-suso at may mga pumi-preno sa gobyerno.
Si Osmeña daw mismo ang nahihiya na hindi natugunan ng administrasyon ang inaasahan ng publiko. Nagsasalita siya dahil may mga nakikita siyang iregularidad at anomalya sa sinasabing “matuwid na daan.â€
Hangga’t hindi tumitigil sa pananaltik si Senator Osmeña na kaalyado mismo ng Pangulo, siya ang magsisilbing “walking billboard†ng mga taga-oposisyon sa darating na eleksyon.
Dapat alamin mismo ng pangulo ang mga problema sa bansa dahil kapag hindi, kayo sa partido na mismo ang gumagawa ng mga “lapida†ninyo.