PATULOY na umuusad sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang pag-amyenda sa 1987 ConsÂtitution o Charter change (Cha-cha). Pangunahing aamÂÂÂyendahan ay mga economic provision na balakid sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa lalo na ang paglago ng foreign investments.
Tama si Sen. Miriam Defensor Santiago na huwag limitahan sa economic provision ang Cha-cha at dapat idagdag dito ang usaping pulitikal.
Pero hindi ako sang-ayon sa panukala ni Santiago na itakÂda sa Konstitusyon na dapat ay college graduate ang mga kakandidato at manunungkulan sa national positions mula sa Presidente, Bise Presidente at senador.
Ayon kay Santiago, kailangan daw nakapagtapos ng pag-aaral ang mga tatakbong senador hanggang sa Presidente para mas maganda raw ang kalidad ng kanilang trabaho.
Magkakaroon ng diskriminasyon sa mga Pilipinong hindi nakapagtapos ng pag-aaral lalo na dahil sa kahirapan at kabiguan ng gobyerno na sila ay mabigyan ng pangunahing serbisyo sa edukasyon. Hindi komo nakapag aral ay siguradong maganda na ang performance ng mga ito sa tungkulin. Sa katunayan ay napakaraming propesyunal tulad ng abogado ang nakaluklok nang Presidente pero nasaan ang kalagayan ng Pilipinas? Patuloy pa ring naghihirap.
Halos lahat ng mga naluklok sa matataas na puwesto sa gobyerno ay mga nakapagtapos ng pag-aaral pero marami ang naakusahan nang pagmamalabis sa tungkulin at nadawit sa katiwalian.
Sang-ayon ako kay Santiago na baguhin ang probisyon sa Konstitusyon at ipagbawal ang political dynasty para mapagbigyan din ang iba pang pamilya o personalidad na nais maglingkod sa bayan.
Kung nais nating tumino ang gobyerno, itakda na rin sa Saligang Batas ang parusang kamatayan sa mga opisyal ng gobyerno na mapapatunayang nagnakaw sa pondo ng bayan.