Mega road re-blocking
Nagkasundo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na gawing isang bagsakan na lang ang road re- blocking sa kahabaan ng Edsa.
Itinakda ito sa buong linggo ng Mahal ng Araw para umano hindi na makaabala sa daloy ng trapiko.
Hindi nga ba’t idinadaing ng maraming mga motorista ang linggu-linggong road re- blocking ng DPWH.
Sa kasalukuyan kasi, nagsisimula ng Biyernes ng hatinggabi at natatapos Lunes ng madaling araw ang re-blocking.
Sa kabila na tuwing weekend lamang, isinasagawa ang mga repair, kahit papaano ay nakakabalam pa rin sa daloy ng trapiko kaya ang dumadanas ng kalbaryo eh mga dumadaan dito.
Base sa napagkasunduan kahapon, isang bagsakan o mega road re-blocking na nga lang ang isasagawa at ang magiging trabaho eh 24/7.
Mula ito sa Roxas Boulevard hanggang sa Monumento sa Caloocan.
Ok na siguro ito, kaysa naman tuwing weekend eh magpapatupad ng re-blocking na hindi malaman kung hanggang kailan ang itatagal.
Tama na nga siguro ang isang bagsakang pagdurusa.
Isa pa, malamang sa mga araw na itinakda eh magluwag ang mga kalsada dahil marami sa ating mga kababayan ang siguradong lalabas ng Metro Manila. Ma-trapik man maliit na porÂsiyento lang marahil.
Pero ang dapat masiguro rito eh, tapusin na ang lahat ng mga kukumpunihin para pagdating ng Lunes at ng mga susunod pang araw siguro naman eh wala nang mararanasang re-blocking sa kahabaan na ito ng EDSA.
Baka kasi ang mangyari, mega re-blocking nga tapos hindi naman matatapos sa napagkasunduang araw. Magtitiis ang marami nating kababayan, yun pala pa-easy-easy ang gawa eh tapos sasabihing hindi nagawa kaya kailangan uli ang weekend na re-blocking.
Ang masakit pa nito baka abutan na naman sa panibagong pasukan sa eskuwela, triple kalbaryo na naman ang Edsa.
- Latest