^

Punto Mo

Pasugalan sa Maynila, hitik na hitik!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MAGSISILBING hamon sa liderato ni MPD director Chief Supt. Rolly Asuncion ang patuloy na operation ng video karera ni Gina Gutierrez sa Maynila. Kahit kaliwa’t kanan ang isinasagawang raid ng mga tauhan ni NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria sa mga puwesto ni Gutierrez, eh hindi niya masyadong iniinda dahil sa proteksiyon ng mga tiwaling miyembro ng Manila police. Si Gutierrez, na nakabase sa Tondo, ay nakatimbre sa lahat ng operating unit ng MPD, at maging sa CIDG, NBI at GAB, kaya halos tinatago ng mga pulis ang puwesto nya. Alam ‘yan ni Col. Tuliao. Kaya kailangan ng NCRPO ng magaling na “makapili” para tuluyang maubos ang mga makina ni Gutierrez, di ba mga kosa? Pero dahil bago si Asuncion sa puwesto, sigurado akong magpapasiklab siya. Sana hindi ito ningas-cogon at tuluyan na niyang wakasan ang video karera operation, hindi lang ni Gutierrez, kundi maging ang iba pang makina na pag-aari ng mga pulis. Well-rounded police officer naman si Asuncion kaya alam niya ang kasabihan na kung maraming nakalatag na makina ng video karera, ang ibig sabihin n’yan nagkalat din ang ilegal na droga, tulad ng shabu. Kaya kapag nawakasan ni Asuncion ang video karera operations ni Gutierrez, ibig sabihn na-solve din nya ang problema sa droga, di ba mga kosa? Mismo!

Sa ngayon, ang bukambibig ni Gutierrez ay si Manila Vice Mayor Isko Moreno. Sinabi ng mga kosa ko na ipinagyayabang ni Gutierrez na “direkta” siya kay Moreno at ang bodyguard nitong si alyas Mini Cooper ang gumigitna para sa kanya. Hehehe! Totoo kaya ito, Vice? Tiyak magdi-deny si Moreno tulad ng pag-deny niya sa kolektor niya na si Insp. Arnold Sandoval kapag kinukompronta siya ng mga alipores ni Mayor Erap Estrada. Kaya kapag ni-raid ng mga tauhan ni Asuncion ang mga video karera ni Gutierrez, abangan niya at tatawag sa kanya si Isko, di ba mga kosa? Kung sabagay, ang kampo nina Erap at Isko ang palaging binabanggit na may final say kung ang mga pasugalan sa Maynila ang pag-uusapan, di ba mga kosa? At ang bukambibig ng gambling lords ay ang pangalan ng anak ni Erap na si Jude Estrada at ang sidekick na si alyas Tiger. Ano pa ba ang bago d’yan? Mismo!

Kung sabagay, nangako si Erap na wawalisin n’ya ang illegal gambling kapag nanalo siya. Subalit imbes na walisin ang illegal gambling sa Maynila, aba lalong dumami pa ito at katunayan hitik na ng pasugalan ang area ni Gen. Asuncion. Hindi lang video karera ni Gutierrez ang namamayani sa Maynila sa ngayon kundi maging ang mga bookies ng karera nina Delfin “Daboy” Pacia na gumagamit na ng dummy na Tonton, Anna Perry na codename naman ng anak ni Milo Samson na bata ni Letlet, magkasosyong Ferdie Sy at SPO4 Obet Chua, at SPO2 Gener Presnedi. Karamihan sa iba pang bookies ay mga pulis ang financier at nakakabit sa mga binanggit ko na gambling lords. Sa ngayon, pumasok na rin sa Maynila ang jueteng ni Viceo na kumpare ni Erap, mayroon na ring sakla, color games sa perya, beto-beto at iba pa. ‘Ika nga, you name the illegal gambling, Manila have it” sa liderato ni Erap. Baliktad sa pangako ni Erap ang nangyari di ba mga kosa? Kung sabagay, tama lang ‘yong pinangakuan na nga kayo ni Erap, eh gusto n’yo pang sundin niya? Nakasalalay kay Gen. Asuncion ang pagwakas ng illegal gambling sa Maynila! Abangan!

ANNA PERRY

ARNOLD SANDOVAL

ASUNCION

CARMELO VALMORIA

ERAP

GUTIERREZ

KAYA

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with