6 Toxic Thoughts

ITO ang mga negatibong saloobin mo na humahadlang upang maging mailap ang kaligayahan sa buhay:

1. Lagi mong iniisip na ikaw ay biktima. Walang biktima. Walang dapat sisihin sa mga nangyayari sa iyong buhay. Ikaw lang ang umuukit ng sarili mong kapalaran.

2. Iniisip mong mapagbabago mo ang isang tao. Weeh, isang malaking HINDI. Ito ang madalas na pagkakamali ng ibang tao—akala nila ay may magic wand sila na makapagpapabago ng ugali ng tao. Ang katotohanan, wala kang karapatang baguhin sila. Sarili lang nila ang makapagpapabago sa kanila. Kung hindi mo kayang pakisamahan ang bad attitude nila, then, go. Leave them alone.

3. Iniisip mong mas sariwa ang damo sa kabilang bakod. Iniisip mong sana ay kasing ganda ka ng muse ng inyong klase. Kung kasing ganda mo siya, siguro mas masaya ang iyong buhay dahil marami kang manliligaw. Kaya lang, gaano ka kasigurado na masaya yung muse ninyo? Hindi mo alam, may nanay siyang baliw. Nakakulong ito sa mental institution. Kaya yung tatay niya ay nag-asawa ulit. Inaapi sila ng kanilang madrasta. So, hindi pala sariwa ang damo sa kabilang bakod. Appreciate the grass you have. It’s your grass. So love it.

4. Iniisip mo na makukumpleto ang iyong pagkatao kung ikaw ay may karelasyon. Hindi totoo ‘yan. Ang masayang lovelife ay nag-uumpisa sa dalawang tao na parehong buo ang pagkatao.

5. May pakiramdam ka na kailangan mong patunayan sa ibang tao na tama ka. Bawat tao ay may kanya-kanyang opinyon. At kadalasan, ang paniwala nila ay kontra sa paniwala mo. So its useless na makipagtalo.

6. Natatakot sa kanyang magiging “future” dahil hindi siya nakahanda. Bakit mo katatakutan ang hindi pa dumarating. Para maging sigurado ang kinabukasan, gawin mong mabunga at kapaki-pakinabang ang iyong kasalukuyan.

 

Show comments