Uok (92)

“BAKA nagsasawa ka na, Drew?” tanong uli ni Gab.

“Ba’t ako magsasawa? Kung nagsasawa ako e di sana hindi na kita sinasamahan sa pagri-research at kung anu-ano pang activity mo.’’

“Talagang hindi ka nagsasawa?”

“Hindi nga. Ang kulit!”

Nagtawa si Gab.

“Ba’t ka nagtawa?”

“Kasi’y hindi ko akalain na aabot tayo sa ganito. Nagkakilala tayo dahil sa kuwintas ko. At mula noon, pati buhay ko, alam na alam mo na. Pati ang mga escapade ni Daddy, kabisado mo na rin.’’

“Nagpapasalamat nga ako sa singsing at nakilala kita. Kung siguro sumuko ako sa paghahanap sa’yo hindi kita nakilala. Malungkot sana ang buhay ko ngayon.”

“Wow naman! Bakit naman malungkot?”

“Siyempre wala akong kakuwentuhan. Walang dina­dalaw at walang nakaka-share ng mga karanasan.’’

“Bakit wala ka bang siyota?”

“Dati meron. Pero wala na kami. Kaklase ko siya sa high school.’’

Napatango lang Gab.

“Ikaw Gab, may boyfriend ka na?”

“Wala. Kung meron e di sana hindi ka nakakapunta sa bahay. Mayroon ka bang nakikitang dumadalaw sa akin.’’

“Wala.’’

“O e di wala akong siyota.’’

“Malay ko kung nasa ibang bansa o kung nasa malayong lugar.’’

“Wala nga.’’

“Pero nagka-siyota ka na?”

Umiling.

“Yang ganda mong yan, wala kang siyota?”

“Wala nga.’’

“Kahit nung high school?”

“Wala.’’

Tiningnan ni Drew si Gab. Mata sa mata.

“Bakit ganyan ka kung makatingin? Para kang matanglawin, he-he!”

“Tinitingnan ko kung nagsasabi ka ng totoo. Makikita ko kung wala ka talagang boyfriend.’’

“Sira ka talaga! Sabi na ngang wala.”

Tiningnan uli si Gab. Pero seryoso na.

“E kung ikaw na kaya ang girlfriend ko?”

(Itutuloy)

Show comments