TUMAAS ang bilang ng mga walang trabaho noong Enero ayon sa Labor Force Survey (LFS) na ni-release ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon sa survey, tumaas ng 7.5 percent ang mga walang trabaho noong nakaraang Enero kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon. Tinatayang 2.9 milyong Pilipino ang walang trabaho sa kasalukuyan. Noong Enero 2013, ang unemployment rate ay 7.1 per cent o 2.7 milyon ang walang trabaho. Ayon sa survey pinaka-marami ang walang trabaho sa Metro Manila (11.2 percent). Hindi naman isinama sa survey ang mga probinsiyang napinsala ng bagyong “Yolanda†noong nakaraang Disyembre.
Nakapagtataka ang nangyayaring ito sapagkat laÂging sinasabi ng pamahalaan na maganda ang takbo ng ekonomiya at malakas pa umano o pumapantay sa China. Pero bakit marami ang walang trabaho?
Noong nakaraang taon, nag-forecast ang Moody’s Analytics sa ekonomiya ng bansa at sinabing gaganda ang ekonomiya mula 2013 hanggang 2016. Ayon sa report ng Moody’s na may title na “Philippines Outlook Asia’s Rising Starâ€, ang ekonomiya raw ng bansa ay lalago ng 6.5 hanggang 7 percent sa 2013 at magpapatuloy hanggang 2014. Uusbong daw ang maraming pagkakakitaan sa bansa sapagkat magiging matatag ang merkado. Ayon pa sa report, mula sa 7 percent na pag-angat ng ekonomiya, magiging 8 percent ito sa 2016. Ang Pilipinas daw ay may maningning na larawan ng magandang ekonomiya sa mundo. Ang ganda talaga ng report na ito. Napaka-positibo. At mas lalong magiging maganda kung magkakaroon ito ng katuparan. Noong 2012, umangat ang ekonomiya ng bansa ng 6.6 percent at tuwang-tuwa si President Aquino.
Subalit lagi na lamang ba sa balita maganda ang ekonomiya subalit hindi naman maramdaman? Ngayon nga ay maraming jobless at nagpapatuloy pa sa pagdami. Lalong nadadagdagan ang mga nagtutungo sa ibang bansa para maghanap ng ikabubuhay.
Sana pag-ukulan ng pansin ng pamahalaan ang sector ng agrikultura sapagkat dito maraming malilikhang trabaho.