“HINDI na ako nagbalik sa probinsiya mula nang takasan ko si Pacita. Tiniis ko munang huwag magbakasyon kapag summer. Natatakot ako sa asawa ni Pacita at maaring hinahanting ako dahil pinakialaman ko ang asawa niya. Siguro’y dalawang taon ako bago bumalik sa probinsiya. Tapos na ako noon ng pag-aaral sa kolehiyo. Naisip ko kasing bumalik dahil paniwala ko, nakalimutan na ang ginawa namin ni Pacita. At siguro naman baka nakasakay na uli ang asawang seaman.
“Pero masaklap na balita ang natanggap ko nang dumating sa bahay ng pinsan ko. Tungkol iyon kay Pacita at kanyang asawa. Balitang-balita raw ang pagkamatay ng mag-asawa. Nagulat ako pero hindi nagpahalata sa pinsan ko naging babae ko si Pacita. Ayon sa pinsan ko, natagpuan si Pacita na nakabitin sa loob ng kanilang bahay. Nagpakamatay daw. Pero nagtaka ang mga pulis nang makita ang asawa nito sa banyo na duguan at patay na. Nagbaril sa ulo ang lalaki…â€
Tumigil si Basil sa pagkukuÂwento. Bumuntunghininga. Malalim. Tumingin kay Drew. Sabik naman si Drew sa nangyari.
“Ano pong nangyari?â€
“Masyado akong na-shock sa nangyari. Hindi ko inaasahan ang ganoon.â€
“Ano raw po ang totoong nangyari kina Pacita at asawang seaman?â€
“Ayon sa pinsan ko, pagkatapos daw bigtihin si Pacita ng asawa ay nagpakamatay ito.’’
“Binigti po si Pacita ng asawa?â€
“Iyon ang kuwento ng pinsan ko. Ayon daw sa mga pulis, nakita ang mga bakas ng daliri ng asawa ni Pacita sa leeg at lubid indikasyon na pinatay muna sa sakal ang babae at saka ibinitin. Pagkaraang ibitin, saka naman nagbaril ang lalaki…â€
Tumigil muli si Basil.
“Ano raw po ang nangyari?â€
“Kuwento ng pinsan ko, natuklasan daw ng lalaki ang pangangaliwa ng babae. Nakarating daw sa lalaki ang balita na may pinapapasok na ibang lalaki ang asawa sa kanilang bahay at doon nagtatalik. Sabi raw, ang pamangking babae ang nakahuli sa dalawa…’’
Tumigil muli si Basil. Nag-isip.
Maya-maya ay nagsalita muli.
“Walang kaalam-alam ang pinsan ko, na ako ang kalaguyo ng babaing binigti. Sabi ng pinsan ko, nasira raw ang buhay ng mag-asawa dahil sa misyeryosong lalaki. Marami raw nanghinayang sa mag-asawang namatay dahil maganda raw ang pagsasama.
“Habang kinukuwento iyon ng pinsan ko, hindi ako mapakali. Nakokonsensiya ako…’’
“Iyon po ang unang tahaÂnan na nasira?â€
“Oo. At maraming pang sumunod, Drew.†(Itutuloy)