41. Kung gusto mong maipagmalaki ang sarili mo, gumawa ng mga bagay na ang magiging bunga ay maipagmamalaki mo.
42. Minsan dumarating ang moment na wini-wish mo na ikaw sana ang napapunta sa kinalalagyan ng iyong idolo? Kwidaw, hindi mo lang alam, may ibang tao na nangangarap na sana, siya ay naging ikaw.
43. Ang pagiging “class†at “edukada†ay iyong alam ang kanyang sinasabi, alam kung kailan ito sasabihin at kailan dapat manahimik.
44. Ang taong totoong “guilty†sa ibinibintang sa kanya ay nagmamatigas na wala siyang kasalanan at sumusumpang ipaglalaban niya hanggang sa huli niyang hininga ang katotohanan…pero hindi naman makaharap nang FACE to FACE sa mga nag-aakusa sa kanya.
45. Next time, huwag mong ikasasama ng loob ang pamiÂmintas na ginagawa sa iyo ng ibang tao. Ang katotohanan, ang mga negatibong sinasabi nila ay reflection ng kanilang sarili.
46. Ang taong walang pagmamahal sa kanilang sarili ay ‘yung mahilig “humabol†sa mga taong wala namang pagmamahal sa kanila.
47. Gayahin natin ang aso kung paano nila nilalampasan ang stressful situation: Kapag hindi nila makain ang pagkaing ibinigay sa kanila o hindi malaro ang bagay na napulot nila, iniihian na lang nila ito at iniiwan.
48. Kung nanonood ka ng anumang sports game, huwag kang umalis ng maaga, tapusin mo ang laro. Ang importanteng kaganapan ay laging nagaganap sa huling minuto ng laro. Sayang kung hindi mo iyon masasaksihan.
49. Pisilin ng 30 seconds ang “flesh†sa pagitan ng hintuturo at hinlalaki. Nakakabawas ito ng stress at tension sa upper body.
50. Huwag kang makikialam sa pag-a-announce ng kamatayan ng isang tao, kung hindi mo naman “immediate family†(magulang, kapatid, asawa, anak) ang namatay. Minsan may kailangan munang gawing legal ang pamilya ng namatay bago nila ito ipaalam sa publiko. Halimbawa, biglaan ang kamatayan ng isang taong may malaking pera sa bangko. Kapag nakaraÂting sa banko na patay na ang kanilang depositor, ang savings ng namatay ay hindi 100 percent na maibabalik sa mga naulila.