^

Punto Mo

‘Mga butas at mga mata sa dingding’

- Tony Calvento - Pang-masa

PAANO ka matatamik at ‘di mababalisa kung sa paligid mo mga matang nakasilip sa bawat butas ng dingding ang nakamasid…nagbabantay?

“Ginawa ko ng pader ang dating yerong dingding namin… pero ayaw pa rin nila kaming patahimikin,” ani “Yna”.

Si “Yna”, 24 anyos, ‘di tunay na pangalan ay hiniling na aming itago ang kanyang pagakatao. Pambu- ‘bully’ ng kanyang mga kapitbahay, ito ang reklamo inilapit  niya sa amin.  Tubong Mindanao si Yna. Pangalawa siya sa tatlong magkakapatid. Dalawang taon ng ‘cook’ sa ibang bansa ang kanyang ina. Da­ting nangungupahan si Yna at ka-‘live in’ niyang isang gwardiya sa Quezon City. Kasama rin ni Yna ang kanilang bunso. Taong 2011, nabili nila ang ‘rights’ ng isang lupa parehong lungsod. Nagkakahalaga ito ng Php110,000. Kasama na ang isang bahay na sinalarawan niyang luma, mababa ang dingding at kisame. Sa ginuhit na ‘diagram’ ni Yna ang nabili niyang bahay at lupa ay napapagitnaan ng walo (8) pang bahay, papasok sa isang eskenita. Dito pinangalanan niya ang nasa likurang kapitbahay na “Bungal”. Habang “Bangs” naman ang nasa kanilang tapat. Nung una, maayos ang naging pagtira nila Yna dito.

“Okay naman ang mga kapitbahay ko nun. Nakikipagkapwa, tumutulong,” pahayag ni Yna. Makalipas ang ilang linggo, nag-iba na daw ang ugali ng mga ito at nagsimulang makialam. “Lahat pinapansin nila. Pati yung pinamalengko ko, bakit isda at gulay daw?” sabi ni Yna. Hindi dito natapos ang problema ni Yna, nagsimula daw magtapon ng dumi ng aso sa loob ng kanilang bakuran ang isa nilang kapitbahay. Ilang beses nilang kinailangan sawayin ito bago daw nito itigil ang pagtatapon. Unti-unting daw sumama ang asal ng mga kapitbahay niya. Pati daw ang kanyang kapatid na bunso, kapag lumalabas pinaparinggan umanong, “Papatira ko yan…” dahilan para palipatin ni Yna sa ibang kamag-anak ang kapatid. Nagsumbong na si Yna sa kanyang ina at pinayuhan siya nitong lumipat na lang ng bahay at lisanin na ang lugar. Nanghihinayang naman si Yna sa ibinayad sa bahay kaya’t nagtiis siya. Naiwan siya at ang kinakasama niya dito. Dahil madalas nasa ‘duty’ ang mister, si Yna lang ang naiiwan sa bahay. Dinig na dinig daw niya ang pag-uusap ng mga kapitbahay tungkol sa kanila.

“Pinagtutulungan nila kami…lahat sila,” anya ni Yna.

Wala daw katahimikan sa bahay na iyon. Kapag naliligo siya binobosohan umano siya at pinag-uusapan.

“Sinasabi nila… ang laki naman…” wika ni Yna.

Hindi dikit sa pader ang dingding at bubong… may kaunting siwang ang banyo kaya’t maaring dun daw siya sinisilip ng kapitbahay. Nung minsan hindi siya nakapagpigil, binuhusan niya ng tubig ang siwang  at may boses siyang narinig na nagsasabing, “Aba, lumalaban ka na!” Pati sa loob ng bahay grabeng panggagambala daw ang inaabot niya. Kinakalampag daw ng mga kapitbahay ang yerong dingding nila. Tanging pagkalabog na lang nito ang kanyang naririnig.  Dito na siya nagdesisyon na gawing simento ang pader. Ang buong akala niya titigil na ang mga ito subalit binubutas raw ng kanyang mga kapitbahay ang simento. “Talagang simento po ang pinangtatapal ko sa mga binubutas nila pero kahit anong takip, butas pa din sila ng butas…” sabi ni Yna.Minamatyagan daw siya ng mga mata sa dingding. Kapag gabi, at natutulog silang mag-asawa nakamanman din daw ang mga ito sa kanya. Kaunting kaluskos ng kama at galaw ng bakal ng higaan nila… bigla na lang siyang makakarinig ng mga tawanan sa likuran. Mapaumaga at gabi lagi na lang daw nasa kanya ang paningin ng mga kapitbahay. Madalas din daw siyang makatanggap ng ‘text messages’ na hinihinala niyang galing din sa kanila.

“Minsan sasabihin taga lotto siya… nanghihingi ng tip. Minsan naman nagpapa-pasaload. Taga abroad daw siya. Alam ko namang sila lang din ang katext ko,” pahayag ni Yna. Dahil sa mga pangyayaring ito, madalas balisa itong Yna. Hindi mapakali at palingon-lingon sa paligid. Ayon pa sa kanya, kapag natutulog siya, inilalagay niya ang kanyang ‘cellphone’ sa bintana at  bini-‘video’ ang tapat ng bintana nila para malaman ang galaw ng kanyang kapitbahay. Ilang beses ng sinabi ni Yna ang umano’y ginagawa ng mga ito sa kanyang kinakasama subalit ayaw daw makipag-away ng kanyang mister. Ayaw din niyang dalhin ang usaping ito sa kanilang barangay dahil ani Yna, “Ayoko pong magkarekord kahit sa barangay lang. Natatakot po ako. Kaya nagtitiis na lang ako.” Gustong malaman ni Yna ang legal na hakbang maari niyang gawin kaya’t nagsadya siya sa aming tanggapan.

Itinampok namin si Yna sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. Ang “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882 KHZ. Lunes-Biyernes 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, hiniling namin kay Yna na kunin ang pangalan ng kanilang kapitan at numero ng kanilang barangay para mailapit namin ang kanyang reklamo. Para sila’y mapagharap-harap at mapag-usapan muna nila ito at baka naman pwede pang silang magkaayos bago magdemandahan.

Pinaliwanag namin kay Yna na sa kaso niya maari siyang magsampa ng Unjust Vexation , Malicious Mischief resulting in damage to property at Slander laban sa mga kapitbahay. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O mag-text sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landlines 6387285 / 7104038.

BRVBAR

DAW

KANYANG

KAPITBAHAY

NILA

PATI

SIYA

YNA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with