MABIGAT na parusa ang nararapat sa rice smugglersÂ. Dapat ay bitay pero dahil wala nito sa bansa, habambuhay ang nararapat na igawad. Isa sa nagpanukala na dapat habambuhay ang parusa sa rice smugglers ay si Northern Samar Rep. Emil Ong. Si Ong ay dating administrator ng National Food Authority (NFA). Ipinagmamalaki ni Ong na noong siya pa ang hepe ng NFA, walang nangyayaring rice smuggling. Ito ay dahil wala raw ipinapataw na duties or tariffs sa rice importation at tangi raw na NFA lamang ang nag-iimport ng bigas.
Ayon kay Ong, matagal nang nakabimbin ang kanyang panukalang batas na nagpaparusa ng habamÂbuhay na pagkabilanggo sa rice smugglers. Ang House Bill 3897 ayon kay Ong ay hindi lamang magpapataw nang habambuhay na pagkabilanggo kundi mag-iimposed nang malaking multa depende sa dami ng bigas na ipinuslit. Halimbawa, kung ang value ng smuggled rice ay P500 million ang imumulta ng smugglers ay P1 billionÂ. Hinihiling niya na maaprubahan na ang kanyang panukalang batas na sa palagay niya ay mabisang solusyon para maputol nang tuluyan ang rice smuggling.
Napapanahon ang panukala ni Ong. Dapat ngang bigatan ang parusa sa rice smugglers para matapos ang kanilang kabuktutan. Dahil sa kanilang ginagawa, nawawalÂan ng hanapbuhay ang mga local na magsasaka. Nawawalan ng saysay ang kanilang pagtatanim ng palay sapagkat hindi ito tinatangkilik ng mamamayan at mas binibili ang smuggled rice. Mas murang ibiniÂbenta ang smuggled rice kaysa local produced. Dahil dito, napipilitang ibaba ng mga magsasaka ang kanilang bigas at talo sila sa puhunan. Wala silang kinikita kaya unti-unti silang “namamatayâ€. Wala silang pagkakakitaan. Dapat lang parusahan ang mga rice smuggler.