MUKHANG mapupurnada ang ambisyon ni Chief Supt. Raul Petrasanta na maging hepe ng Philippine National Police (PNP). Sa unang mga buwan kasi ni President Aquino sa puwesto, matunog si Petrasanta na maging PNP chief kapalit ni Dir. Gen. Alan Purisima. Kahit munting okasyon lang sa buhay ni Petrasanta, lalo na’t birthday n’ya, andun na sa tabi niya si P-Noy. Subalit nitong nagdaang mga araw, mukhang hindi lang kay Purisima bad shot si Petrasanta kundi maging kay P-Noy. Maugong kasi sa Camp Crame na pinaiimbestigahan ni P-Noy si Petrasanta dahil sa nawawalang 900 AK-47 o Armalite rifles na binenta sa isang security agency. Sa isinagawa kasing inventory ng SOSIA ng Camp Crame, hindi mailabas ng security agency ang mga naturang baril. Kaya sa utos ni P-Noy, nag-hire ng IT experts ang PNP para ayusin ang records ng Firearms and Explosive Division para matiyak kung meron pang anomalyang transaction na kinasangkutan si Petrasanta noong hepe pa siya ng FED. Sa totoo lang, binigyan ni CIDG director Chief Supt. Benjie Magalong ng hanggang noong Pebrero 23 sina Petrasanta at tatlo pang opisyal ng PNP para magbigay ng panig nila tungkol sa nawawalang armas subalit hindi nila pinansin. Hehehe! May kumita sa transaction na ito, di ba mga kosa? Mismo!
Umugong pa sa Camp Crame na sinabihan ni P-Noy si Petrasanta na hindi siya kasama sa “matuwid na daan†dahil sa nabulgar na anomalya. Dahil sa pag-isnab ni Petrasanta at tatlong iba pa sa imbestigasyon ng CIDG wala nang ibang recourse ang pulisya kundi kasuhan sila sa korte, ayon kay Dep. Dir. Gen. Felipe Rojas Jr., ang deputy chief for administration (DCA) ng PNP. Pero, siyempre, ang desisyon ukol sa pagsampa ng kasong administratibo o kriminal laban kina Petrasanta ay nakasalalalay pa rin kay Purisima, di ba mga kosa? Hehehe! Mismo!
Kasabay sa imbestigasyon ng CIDG, lumabas naman ang “white paper†na inakusahan si Petrasanta na “on the take’ ng milyones sa STL na front ng jueteng sa Region 3. At nadamay pa ang classmate ni Petrasanta na si Chief Supt. Isagani Nerez, ang hepe ng Cordillera Region. Ang dalawa ay protektor umano ng jueteng operation nina Lito Millora at Boy Bata, ayon sa white paper. Maliban sa jueteng, sina Nerez at Petrasanta, na hepe ng PRO3, ay inakusahan din na may tinatanggap na milyones sa casino payola, prostitution tulad ng cybersex, at carnapping na rampant sa Central Luzon. Hindi rin umano nasawata ni Petrasanta ang lumalalang kriminalidad sa Olongapo City at San Fernando City. Maliban kay Petrasanta, si Nerez ay kandidato rin ng PMA Class ‘84 sa pagka-PNP chief. Kaya ang “white paper†ay angkop lang sa kasabihan na “hitting two birds in one stoneâ€. Ganyan talaga ang mga sikat at lalong pinapasikat!
Sinabi pa ni Rojas, na ang mga nasa likod ng “white paper†ay makikinabang kapag nawala sina Petrasanta at Nerez sa listahan ni P-Noy sa pagka-PNP chief. Kapag nawala na sa listahan sina Petrasanta at Nerez, magkaroon ng tsansa ang PMA Class ‘82 at ‘83. Tiyak ‘yun, di ba mga kosa? Nakatutok ang atensiyon ng PNP officials sa Camp Crame sa desisyon ni Purisima kung kakasuhan o hindi ang grupo ni Petrasanta sa missing firearms. Pag nagkataon, goodbye na lang sa ambisyon ni Petrasanta na maging PNP chief. Abangan!