TAUN-TAON, nagsasagawa ang Civil Service Commission (CSC) ng anti-red tape test sa mga ahensiya ng gobyerno sa pamamagitan ng kanilang Report Card Survey (RCS). Sa ilalim ng RCS, may pinasasagutan na mga tanong sa mga taong nakipag-transact sa government offices. Kabilang sa mga tanong ay: 1. Ino-observe ba ang anti-fixing campaign; 2) Naka-ID ba ang empleado ng gobyerno; 3) Mayroon bang patagong transaction costs; 4) Meron bang mga personnel na nangangasiwa o uma-assists sa mamamayang nakikipag-transact; 5) Mayroon bang complaint desks; 6) Ino-observe ba ang no noon break policy; 6) Sapat ba ang pasilidad; at 7) Maayos ba o may kalidad ang serbisyo.
Nang lumabas ang resulta ng surbey sa anti-red tape test, 67 ahensiya ng gobyerno ang bagsak. Na-ngunguna sa mga bumagsak ang Land Registration Authority (LRA), Land Transportation Office (LTO) at National Prosecution Service (NPS) na nasa ilalim ng Department of Justice (DOJ).
Hindi naman nakapagtataka kung manguna ang LRA sa pinaka-worst na ahensiya. Sa pinaka-main office nito sa East Avenue, Quezon City ay kapansin-pansin na walang pagmamalasakit sa mga taong nakikipag-transact. Sa tanggapan nila kung saan nagre-request ng mga kopya ng TCTs ang mamamayan, ang mga upuan ay halos bumagsak na. Kapag nagkamaling umupo ang mga kliyente, tiyak na maaaksidente. Wala ring nag-aassist sa mga may problema sa kanilang dokumento.
Hindi rin naman nakapagtataka na ang LTO ay kabilang sa pinaka-worst sapagkat maraming empleado rito ang hindi makapagsilbi sa mamamayan kung walang kapalit na pera. Nangingibabaw pa rin na kailangang may “padulas†para madali ang pag-aayos ng dokumento o mga papeles.
Sabi ng CSC, isasailalim daw sa training at seminar ang mga tauhan ng tanggapan na bumagsak sa anti-red tape test. Sapat kaya iyon? Mas maganda sana kung sisibakin sa puwesto ang mga hindi naglilingkod nang maayos sa mamamayan.