Uok (80)
“BAGONG gawa ang bahay nina Pacita. Bunggalow,†sabi ni Basil kay Drew. “Ipinagsama na niya ako at wala siyang takot kahit may makakita sa amin. Sabagay, palagay ko naman ay walang makakakita dahil sa lugar na iyon ay layu-layo pa ang mga bahay. Noon ay dekada 80. Ngayon yata ay dikit-dikit na ang mga bahay doon, ano Drew?â€
“Opo Sir Basil. Pero magaganda na po ang bahay ngayon.’’
“Magaganda na ang bahay noong panahong iyon dahil lahat nga ng mga naroon ay nagsisipag-abroad ang asawa. Katulad ni Pacita na ang asawa ay isang seaman.’’
“Ano sa palagay mo Sir Basil, bakit agad kang ipinagsama ni Pacita sa kanyang bahay?â€
Napangiti si Sir Basil.
“Siguro e naguwapuhan din sa akin. At saka, medÂyo maboladas ako noong kabataan ko. Mapagbiro rin ako. Siguro’y natipuhan din ako ni Pacita. At saka nga siguro ay ‘nauuhaw’ din siya. Kasi’y biglang nangislap ang mga mata nang sabihin kong parang dalaga pa siya. Nasiyahan marahil. Pero sa tantiya ko, talagang gusto niyang padiligan ang ‘uhaw’ na lupa.’’
Napatawa si Drew sa sinabi ni Basil na ‘uhaw na lupa’.
“Ano pong nangyari, Sir Basil? Pumasok na kayo sa bahay ni Pacita?’’
“Oo. Maganda ang loob ng bahay. Kumpleto sa gamit. Noong mga panahong iyon ay kakaunti pa ang may TV set pero sina Pacita ay maganda at bago ang TV. Binili raw sa Japan iyon ng mister niya. Mayroon na silang ref, gas range at iba pa. Napansin ko rin na marble ang sahig ng bahay. Mahal ang marble di ba? Talagang maganda ang trabaho sa barko ng mister ni Pacita. Baka may ranggo sa barko ang mister niya.â€
“Hindi po taga-tiktik ng kalawang?â€
“Hindi siÂguro. Kasi’y talagang maÂkikita na may pera sina PaÂcita.’’
“Ano po ang mga sumunod na nangyari?â€
“Pinaupo ako sa sopa. Maganda ang sopa. Sabi ni Pacita maghahanda siya nang maiinom ko. Sabi ko’y huwag na siyang mag-abala pa at hindi naman ako nauuhaw. Pero hindi pumayag. NagÂtimpla siya nang malamig na malamig na buko juice.’’
“Pagkatapos po ay anong nangyari?â€
“Nagkuwentuhan kami sa salas. Tinanong niya ako kung anong age ko na. Sabi ko ay 18. Second year college ako. Sabi niya guwapo raw ako. Kamukha ko raw si Rudy F. Napanood daw niya si Rudy sa pelikulang Baby Ama at ganoon daw ako kaguwapo. Sabi ko hindi naman. Tapos ay tinanong ako kung bakit masarap daw akong tumingin. Sabi ko’y hindi naman ako masarap tumingin. Iba raw ang kaÂguwapuhan ko. Naakit daw siya…â€
(Itutuloy)
- Latest