MARAMING nangyayaÂring kakaiba at kagila-gilalas ngayon dahil sa climate change o ang pagkakaroon ng kakaibang panahon dulot ng global warming. Gaya nang nangyari sa isang bayan sa Scotland na umulan nang maraming bulate!
Noong umaga ng Abril 2011, naghahanda si David Crichton para mag-ensayo ng football sa kanyang eskuwelahan nang makarinig siya ng kakaibang tunog na sinundan ng pagtili ng mga estudyante sa paligid. Nalaman niya na ang kakaibang tunog ay nagmumula sa mga pumapatak na bulate mula sa kalangitan na nagdulot ng pagkatakot sa mga estudyanteng nasa football field ng oras na iyon.
Nagtakbuhan sina Crichton at mga estudyante para sumilong sa school building. Nang matapos ang “pag-ulanâ€, nalaman ni Crichton na lampas 100 bulate ang pumatak sa football filed. Napag-alaman din ni Crichton na pati sa tennis court at iba pang lugar sa school ay umulan din ng mga bulate.
Nangyari na rin ang isang katulad na insidente sa LouisianaÂ, US, kung saan umulan din ng bulate sa isang parking lot doon noong 2007.
Ayon sa mga eksperto, maaring galing ang mga bulate sa isang sapa o latian na hinigop ng ipuipo. Marahil ay nadala ng ipuipo ang mga bulate pataas pero kalaunan ay bumagsak din sa lupa na animo’y mga patak ng ulan.