Mga Sikat na Takot Tumaba (Last part)
“EATING disorder†ang tawag sa anorexia nervosa at buÂlimia nervosa. Ang “eating disorder†ay resulta ng pagnanais na maging seksi sa maling paraan. Ang anorexia ay pag-iwas na kumain sa takot na tumaba. Ang bulimia ay walang preno sa pagkain kahit busog pero takot na tumaba kaya pipilitin niyang maisuka ang lahat ng kanyang kinain.
Ginger or Geri Halliwell—dating miyembro ng Spice girls. Dumating sa punto na mukha na siyang bangkay. Halinhinang nagka-anorexia, then bulimia, tapos babalik sa anorexia hanggang sa ipasya niyang magpagamot nang minsan humarap siya sa salamin at hindi makayang titigan ang sarili na parang bangkay na sa sobrang kapayatan.
Jane Fonda—siya yung may video ng iba’t ibang exerciseÂ. Bago maging fitness guru, naging bulimarexia din siya: PinagÂsamang anorexia at bulimia.
Lady Gaga—minsan ay inamin niya sa interbyu ng Vanity Fair magazine na nagka-bulimia siya noong bago pa lang siyang sumisikat. Ngunit nagpursigi siyang makawala sa nabanggit na ‘eating disorder’.
Kate Winslet—bata pa ay problema na niya ang pagtaba dahil ang tiyuhin niya at ina ay magaling na cook. Lahat sila ay “big eatersâ€. Naging bulimic at anorexic siya.
Nicole Richie—noong una ay hindi niya inaamin na may eating disorder siya hanggang hiwalayan siya ng boyfriend. Ang dahilan ng boyfriend: Natatakot na siya sa kapayatan ni Nicole. Lumuwa na kasi ang mata nito at parang bangkay na naka-swim suit kapag nasa beach. Na-turned off baga. Hayun, saka niya tinanggap ang pagkakamali at ipinagamot ang sarili.
Fiona Apple—ibang kaso ang pagiging anorexic ng singer at magaling na songwriter. Nagkaroon siya ng anorexia pagkaÂtapos niyang ma-rape noong 12 years old pa lang siya. Gusto niyang pumangit para hindi na maging biktima. May history siya na sinusugatan niya ang sarili.
Paula Abdul—nagsimulang maging bulimic pagkaraang makipag-divorce ang asawa.
Bagama’t noong una ay tumatanggi sila na may mali silang ginagawa sa kanilang sarili, sa bandang huli ay tinanggap nila na may dapat silang itama sa kanilang eating habits.
Ito ang simula ng kanilang pagpapagamot — physical at psychological.
- Latest