^

Punto Mo

Kilos-kilos, Col. Florencio Ortilla!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NILUSOB ni NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria ang headquarters ng Pasay City police noong Martes at kinausap si Sr. Supt. Florencio Ortilla, ang hepe ng pulisya. Halos dalawang oras nagkulong sina Valmoria at Ortilla sa kuwarto subalit hindi batid ng mga kosa ko kung ano ang pinag-usapan nila. Maari umanong tungkol ito sa samu’t saring katiwalian na kinasangkutan ng mga pulis-Pasay at isa rito ay tungkol sa droga. Kalat na kasi sa Camp Crame mga kosa na sa Pasay, ang mga drug pusher ay inoorbitan na ng mga pulis na parang illegal gambling lang. Yes mga kosa, ang mga drug pusher sa Pasay ay may lingguhang parating sa mga pulis kaya hayagan na ang bentahan nila ng droga at wala pang hulihan ha. At ang itinuturo ng mga bagitong pulis na nasa likod ng weekly payola ng drug pushers ay ang isang alyas Palaton. Noong nakaraang linggo lang, nilusob din ni SPD director Chief Supt. Jet Villacorte ang Pasay at winarningan si Ortilla matapos sibakin sa puwesto ang 20 pulis na sangkot sa P10 million extortion sa isang Intsik na sangkot din sa droga at mga protektor ni alyas Borbie, ang nasa likod ng samu’t saring illegal sa Pasay. Hehehe! Palagi na lang nilulusob ng senior officers niya si Ortilla ah? Anyare Col. Ortilla Sir?

Sinabi naman ng mga kosa ko sa Camp Crame na ang mga inoorbitan ni Palaton na drug pushers sa Pasay ay sina Maggi, Vicvic at Tess sa F.Victor St., corner Tramo; Toto, Jordan, Bobot, Nante, alyas Kamandag, Meyo at Jimmy sa Primero de Mayo St. na malapit sa palengke sa Libertad; si alyas Baguio na dating “Salisi” sa Decena St.; corner Tramo at Inocencio St., si Dondon, si Jaynard na kapatid ng nasirang si Snake sa Facundo St.; Badong, Nene, kabit ni Lanillo, Onad, May-Ann, Junior, Asoncion alyas Ason, Ace at Ochay sa M. de la Cruz St.; Arman at Michael Valerio sa Magtibay St.; M. de la Cruz, Archie Alfaro, at Nanad sa Tramo-EDSA; Pilo, JR, Reden, Obet, Apilo EDSA, Tony Lakson, Venus Punzalan, Tites, Pinggoy sa Maricaban St.; Manny sa Sto. Nino; Don Carlos, Aga, Batito, Artem, Ramy, Shiela, Nita Capones, Gingging sa Progreso St.; Anoy Alfred sa Leveriza St.-Buendia; Balais family, Jay sa Libertad; Bulet na anak ng isang pulis na naka-assign sa SAID ng Pasay, at Vicvic sa F. Victor St. din. Sinabi din sa report sa Camp Crame na may mga barangay officials din na tulak sa Propetarius, Tramo, Magtibay at Apilo. Paano magiging matagumpay ang kampanya ng mga bataan ni Ortilla kung mismong barangay officials at mga kamag-anak ng pulis ang tulak? Mismo!

Dismayado naman ang mga bagitong pulis sa Pasay dahil hindi lang illegal gambling, putahan, beerhouse, nightclub at kung ano pang ilegal ang iniikutan ng kolektor ni Ortilla na si PO2 Jerry Gomez at maging sa droga ay meron pang orbit. Kapag sinibak ni Ortilla si Palaton, ibig sabihin walang blessings niya ang pag-orbit nito sa drug pushers, di ba mga kosa?

Malaki ang tiwala ng mga bagitong pulis sa mga PMAer tulad ni Ortilla at nananalangin sila na tugunan nito ang problema tungkol sa droga sa Pasay. Hala Col. Ortilla Sir, kumilos ka na. ‘Wag mong antayin na mismong si PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima ang lumusob sa iyong opisina para tuldukan ang kahibangan ng mga pulis mo. Abangan!

ALAN PURISIMA

CAMP CRAME

ORTILLA

ORTILLA SIR

PALATON

PASAY

PULIS

TRAMO

VICTOR ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->