DITO sa PiÂliÂpinas, tao ang kumakain sa hito, pero sa India ay kabaliktaran. Tao ang kinakain ng isang higanteng hito roon!
Taong 1998 nang magsimulang umatake ang higanteng hito sa ilog Kali. Isang 17-anyos na binata ang sinunggaban ng hito habang naliligo. Tatlong buwan ang nakalipas, isang bata naman ang nabiktima habang naliligo kasama ang kanyang ama sa nasabing ilog. Hindi na natagpuan ang bangkay ng mga nasabing biktima.
Bukod sa mga taong sinalakay ng hito, may mga hayop din itong nabiktima. Umano’y isang baka ang sinalakay ng higanteng hito.
Umabot ng siyam na taon ang pagsalakay ng higanteng hito at natapos lamang noong 2007 nang mahuli ito ni Jeremy Wade, isang Bri-tish biologist na nagpunta sa India. Naging interesado si Wade sa napabalitang pag-atake ng hito.
Sinasabing nasanay sa laÂman ng tao ang higanteng hito nang matikman nito ang mga bangkay na ipinaaanod sa ilog ng mga tribung nakatira sa malapit sa Ilog Kali. Nakaugalian na umano ng mga tribu ang pagpapaanod sa mga namatay nilang kaanak. Dahil dito, naisipan ni Wade na mag-abang ng bangkay na inaanod sa ilog at hindi nga siya nagkamali.
Gamit ang isang mala-king pamingwit, nahuli ni Wade, katulong ang mga tao roon, ang higanteng hito na humigit-kumulang ay anim na talampakan ang haba at 70 kilo ang bigat.
Wala nang nangyaring pag-atake sa mga naliligo sa ilog pagkatapos mahuli ang higanteng hito.