^

Punto Mo

Panawagan sa INC

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH report! Sumugod sa headquarters ng Pasay City police si SPD director Chief Supt. Jet Villacorte noong Huwebes para sibakin ang mga pulis bunsod sa reklamo ng Intsik na nadugasan siya ng P5 milyon. Natangayan na ang Intsik ng limang manok subalit di pa nakuntento ang mga pulis at binalikan pa siya. Halos aabot sa 20 lokong pulis ang sinibak ni Villacorte, kasama na rito ang mga patong kay Borbie, ang nasa likod ng kung anu-anong ilegal sa Pasay. Si Sr. Supt. Florencio Ortilla, ang hepe ng Pasay police ay winarningan na rin ni Villacorte.

• • • • • •

Masasabi kong malaking accomplishments ng Iglesia ni Cristo (INC) ang ‘‘Worldwide Walk’’ kung saan napuno ng 175,000 sumipot na kasapi nila ang Roxas Blvd. Ito ang pinaka-maraming participants sa isang charity walk at nakuha ang dalawang records sa Guinness Book of World Records. Ang sinirang record pala ay 77,500 sa ginanap na charity walk sa Singapore. At higit sa lahat, ang lahat ng sumali sa charity walk ng INC ay naglagak ng P250 bilang suporta sa mga biktima ng Typhoon Yolanda. Mabuhay ang pamunuan ng INC at sana yumabong pa ang mga tulad nila! Ang charity walk ay isa lang sa mga proyekto ng INC na nakalinya para sa pagselebra nila ng 100 years nila sa Abril! Mismo!

Kaya lang ang pagtrumpeta ng INC ng kanilang accomplishments ay baka mapunta lang sa wala kapag hindi napigilan ng liderato nila sina Leonilo, Niño at Allan Espeleta sa kanilang masamang gawain. Hindi naman lingid na ginagamit ng Espeleta brothers ang INC para itaguyod ang sindikato nila sa illegal gambling at pagiging tong collector ng mga matataas ng opisyales ng PNP. Hehehe! Kanya-kanyang raket lang ‘yan!

Si Leonilo, ayon sa mga kosa ko, ay driver ng isang mataas na opisyal ng INC sa southern Metro Manila kaya kapag napag-usapan ang tungkol sa mga pulis na hihiranging hepe ng isang siyudad ay may alam siya. Kapag i-endorso na ang isang police official na maging hepe ng siyudad, tatawagan ito ni Leonilo at ibabalita na siya na ang uupo. Siyempre, palalabasin niya na kasama siya sa usapan. At ang kapalit? Ang mga kapatid niya na sina Niño at Allan ang magiging tong collector ng uupong opisyal. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sa ngayon, nag-partner ang Espeleta brothers at Jake Irinco alyas Jake Duling para kupuin ang kalakaran ng illegal gambling sa SPD area at kakutsaba nila si Boy Sacramento ng NCRPO. Ang Espeleta brothers ang naggiya kay Boy Sacramento para sa kaliwa’t kanang raid ng mga pasugalan at iba pang ilegal sa SPD area. Sa kasamaang palad, nakarating kay NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria ang plano nila kaya sinibak si Boy Sacramento, na code name pala ni Capt. Bernard Pagaduan sa mga kausap niya. Sa ngayon, panay raid ang isinagawa ng NCRPO sa mga puwesto ng illegal gambling ng Espeleta brothers at Jake Duling sa Muntinlupa City, Pasay, Paranaque, at Las Piñas. Totoo bang sina Jake Duling ay INC member din? Nakupoooo! Hindi lang illegal gambling sa Muntinlupa ang kalakaran ni Jake Duling kundi maging ang drug pushing activities ng isang alyas Momsi, anang mga kosa ko. Sa pagkaalam ng mga kosa ko, bawal sa INC members ang masangkot sa illegal gambling at iba pang ilegal. Kaya dapat tuldukan ng pamunuan ng INC ang masamang gawain ng Espeleta brothers at Jake Duling para magiging matiwasay ang 100 anniversary celebration nila. Abangan!

 

vuukle comment

ALLAN ESPELETA

BOY SACRAMENTO

ESPELETA

INC

JAKE DULING

NILA

PASAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with