ISA sa mga nagpapabigat sa trapiko sa Metro Manila ay ang mga isinasagawang paghuhukay sa mga kalsada. Kahapon ay sinimulan na ang paghuÂhukay sa maraming bahagi ng EDSA na tinatawag na reÂblocking. Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) may reblocking sa pagitan ng Boni Avenue sa Mandaluyong at Guadalupe Bridge sa Makati. May reblocking din sa pagitan ng Don Ang St. at Gen. Tinio St. sa Caloocan Ciy. Matatapos umano ang reblocking sa Lunes ng madaling araw.
Ang reblocking ay nagdulot agad ng grabeng trapik sa EDSA kahapon ng gabi. Mas lalong nag-usad-pagong ang mga sasakyan. Kung dati ay gumagalaw-galaw pa ang mga sasakyan, ngayon ay nagmistulang malaking parking lot na ang EDSA. Paano pa kung tuluyan nang maghukay sa daraanan ng road projects gaya ng Skyway 3. Noong Lunes sinimulan nang bunutin ang mga kahoy sa kahabaan ng Osmeña Highway. Mula SLEX, tatagos sa Osmena Highway ang Skyway 3 tungo sa NLEX. Magiging mabilis na raw ang biyahe kapag natapos ang Skway 3. Sinimulan na rin ang paghuhukay sa NAIA Expressway.
Pawang paghuhukay ang ginagawa ngayon at grabeng trapik ang daranasin ng mamamayan sa Metro Manila. Pero sana naman, hindi makisabay sa paghuhukay ang Maynilad at Manila Water. Sa ngayon, nagsasagawa ng paghuhukay ang dalawang water concessionaires para ma-improve ang kanilang serbisyo. Makikita ang kabi-kabilang paghuhukay na nasa gitna mismo ng kalsada. Ang matindi, may mga hukay na iniiwang nakatiwangwang at maaaring magdulot ng pagkahulog ng sasakyan o mga taong tumatawid.
Bukod sa paghuhukay na ginagawa ng Maynilad at Manila Water, may mga telecommunications company na nagsagawa rin ng paghuhukay na dagdag din sa pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila.
Ito ang kalbaryo ng “hukay-hukayâ€.