SI Ducky, isang Chihuahua mula sa Charlton (Massachusetts, USA, ang pinaka-maliit na aso sa mundo, ayon sa Guinness World Record. Si Ducky ay tumitimbang ng 1.4 pounds at 4.9 inches ang taas.
Naagaw ni Ducky ang korona kay Danka Kordak ng Slovakia, isang Chihuahua na ang taas 5.4 inches. Ayon sa Guinness, ang pinaka-maliit na aso na kanilang naitala ay ang dwarf Yorkshire terrier na ang taas ay 2.8 inches. –www.oddee.com--
Pinaka-maliit na pusa
SI Mr. Peebles ng Illinois ang pinaka-maliit na pusa sa mundo. Si Peebles ay may taas na 6.1 inches ang taas at 19.2 inches ang haba. Ayon sa Guinness wala pang nakaaagaw sa record ni Mr. Peebles mula pa 2004. –www.oddee.com--
Pinaka-maliit na isda
ANG Paedocypris progenetica ang pinaka-maliit na isda sa mundo. Kabilang ito sa pamilya ng karpa. Matatagpuan ito sa Sumatra, Indonesia. Ang isda ay may haba na 0.3-inch. Natuklasan ang isdang ito noong Enero 2006. –www.oddee.com--