^

Punto Mo

Online libel, okey lang

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MARAMI ang bumabatikos sa pinagtibay ng Supreme Court (SC) sa probisyon ng cybercrime law na may kinalaman sa online libel. Ayon sa SC, nakasalig sa Saligang Batas ang probisyong ito kung saan ay maaaring magpataw sa sinumang lalampas sa mga pamantayan lalo na ang may mapanirang pangungusap sa internet.

May mga mamamahayag na tutol sa online libel. Nanga­ngamba sila na ito ay maabuso at gawing sandata ng ilang pulitiko o opisyal ng gobyerno laban sa media na bumabatikos sa mga nangyayaring kalokohan sa gobyerno.

Para sa akin, okey lang ang online libel dahil nabibigyan din ng limitasyon ang netizens na malayang nakakapagsalita kahit gaano kasakit at lumalampas na sa pamantayan para manira ng kapwa o opisyal ng gobyerno.

Sa aming mamamahayag, anuman ang aming gawing panulat at komentaryo,  laging may kaakibat na responsibilidad. Dapat sumunod sa mga pamantayan dahil kung ito ay lalampas, maari kaming maparusahan.

Samantalang ang netizens kahit ano pa ang sabihing ko­metaryo sa mga social media ay walang maaaring dumisiplina at pumigil sa kanilang institusyon.

Mabuti na lamang at mayroon ng online libel dahil maaari nang mapanagot ang mga iresponsableng netizen kung sila ay lalampas sa mga pamantayan. Dehado naman kasi ang mga nasa mainstream na mamamahayag na puwedeng kasuhan ng libelo samantalang ang mga netizens ay libre.

Bantayan na lamang natin kung maaabuso ang online libel ng mga pulitiko o opisyal ng gobyerno upang masikil ang kalayaan sa pamamahayag.

Sa mga mamamahayag,  kahit pa may online libel o regular na kasong libel ay hindi naman matatakot  laban sa mga abusadong pulitiko na nagsasamantala sa kanilang kapangyarihan .

Lahat tayo ay maging mapagbantay pero baka naman ang mga away kalye o ng mga magkakaibigan na magbabangayan sa social media ang gumamit sa online libel.

Sana, huwag humantong sa ganitong eksena. Baka naman­ masyadong dumami ang kaso at mabigatan naman ang trabaho ng mga korte. Dapat ay mapagtutuunan ng pansin ay ang mas mabibigat na kaso na nangangailangan nang mabilis na pagresolba.

AYON

DAPAT

DEHADO

LAHAT

LIBEL

ONLINE

SALIGANG BATAS

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with