^

Punto Mo

Mga Kakaibang ‘Acts of Kindness’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Mahirap pa sa daga pero nakuha pang magkawanggawa

Ang mga babaeng taga- Alcholi Quarters, pinakamahirap na lugar sa Uganda ay nagtrabaho  bilang taga-durog ng bato upang may mai-donate na pera sa biktima ng Hurricane Katrina. Nakaipon sila ng $1,000 at iyon ang kanilang ipinadala sa mga biktima.

Homeless na Pilantropo

Ang isang homeless na 98 year old na lalaki sa Bulgaria ay namamalimos araw-araw. Inipon niya lahat ang kanyang napalimusan na nagkakahalaga ng 40,000 Euros. Ibibigay niya lahat iyon sa kawanggawa para ipagpa-repair ng monasteryo at simbahan. Para pambayad ng kuryente at tubig sa mga bahay ampunan.

‘Hero’ ng mga batang walang pambayad ng kanilang ‘lunch’

Si Kenny Thompson ay isang titser sa elementary school sa Texas. Binayaran niya ang utang ng 60 estudyante sa kanilang school canteen. Sa hirap ng buhay, kailangang utangin ng mga bata ang kanilang lunch sa canteen. Palibhasa ay mahaba na ang listahan ng utang, malamig at walang sustansiyang sandwich ang ibinibigay sa mga batang may utang. Naawa ang titser at binayaran lahat ang utang ng mga bata. Kailangan ng mga bata ang mainit na sabaw at masustansiyang pagkain lalo na kung winter. Naniniwala si Thompson na masyado pang mura ang kanilang isipan para ipamukha ang bigat ng problema ng mundo. Ang pinoproblema dapat ng isang tipikal na bata ay kung paano nila mai-improve ang grade sa spell­ing o kaya paano masosolusyunan ang math problem at hindi economic problem.

ALCHOLI QUARTERS

BINAYARAN

HURRICANE KATRINA

IBIBIGAY

INIPON

KAILANGAN

MAHIRAP

SI KENNY THOMPSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with