Ready-to-eat pizza na tatagal ng 3 taon dinidebelop na para sa mga sundalo
NAGSASAWA na raw ang mga sundalong Kano sa regular na rasyon ng pagkain kaya humiling sila na sana ay magrasyon naman ng kakaibang pagkain gaya ng pizza. Nasasabik daw sila sa pizza habang nasa field.
Kaya naman agad kumilos ang US Army Natick Soldier Research, Development and Engineering Center. Agad silang nagdebelop ng pizza para sa mga sundalong nasa field o nasa combat. Ang pizza na kanilang dinebelop ay maaaring tumagal ng tatlong taon.
Sabi ni Jill Bates, head ng mga researcher na nagdebelop ng pizza, wala itong pinagkaiba sa typical pan pizza na nabibili o ginawa sa bahay. Masarap at malinamnam daw ito. Ang tanging kulang lang daw sa pizzang irarasyon ay hindi ito kasing hot ng nabiÂbiling pizza. Room temperature daw.
Ayon pa kay Bates, tiyak na masisiyahan ang mga sundalo sa kanilang dinebelop na pizza at maaari na raw itong matikman sa malapit na panahon. (www.unexplainedmysteries.com)
- Latest