NANG marinig ko ang balak ng pamahalaan na gawing apat na araw na lamang ang trabaho, nagulantang ako. Marami nga ang nagrereklamong hindi matapos ang mga trabaho ng limang araw gagawin pang apat na araw? Pero sa mga hindi masyadong nakakaintindi narito ang mga suhestiyon ng gobyerno: 1) Forty hours pa rin ang suma total na oras ng pagtatrabaho. Ngunit imbis na limang araw na tig-wawalong oras, magiging apat na tig-sasampu; 2) Dagdag ng dalawang oras kada araw at bawas ng isang araw; 3) Paraan upang makaiwas sa labis na trapiko mula sa mahigit 50 road constructions na pinaghahandaan. Senyales na temporary lang ang nasabing pagbabago; 4) Wala naman daw umanong magiging epekto ang pagpapahaba ng oras at pagpapaikli ng araw sa productivity ng mga nag-oopisina at manggagawa; 5) Makakatipid pa raw sa overhead costs ang mga kompanya -- kuryente, tubig, renta etc.; 6) Mas magkakaroon ng espasyo para sa flexi-time ang mga epleyado.
Matapos mapakinggan ang parehong panig, napagpasyahan kong maganda naman ang 4-day work week. Bagama’t hindi ako nag-oopisina na walong oras, limang araw kada linggo, alam ko na bukod sa ating “day job,†ay naghahanap tayo ng iba pang bagay na interesado tayo at maaaring pagkakitaan habambuhay. Marami ang nangangarap na maging sariling bossing nila, na hindi maging empleyado ng kompanya habambuhay. At makakatulong dito ang pagdagdag ng isang free day upang maasikaso nila ang bagay na iyon.
Naniniwala rin akong kung sapat ang pahinga ng mga tao, mas mataas ang kanilang productivity. Bagamat maaaring makaburn-out ang apat na araw na tig-sasampung oras, tatlong araw naman ang iyong ipapahinga.
Ang dagdag na isang araw na pahinga ay isang buong araw na maaaring magamit ng mga tao para makapiling ang kanilang mga pamilya at maasikaso ang kanilang mga pangarap sa buhay. Kung kulang ang Sabado at Linggo upang makapiling ang pamilya at sumamba, kapag naging tatlong araw na ang weekend mo, wala ka nang rason. Hindi ka na rin puwedeng magreklamo ng kakulangan sa tulog dahil puwede mo na itong gawin ng isang buong araw! Dahil dito, mas kakaunti ang gagastusin sa gasolina at pamasahe dahil apat na beses lang gagawin.
Ako man kapag galing ng long weekend ay buhay na buhay at mas excited magtrabaho kapag tapos na ang bakasyon. Pakiramdam ko nakapag-unload at nakapagÂpahinga kasama ang pamilya.