“KAHIT nang duÂmating si Daddy galing Saudi, hindi ko rin nasabi ang mga dapat kong sabihin sa kanya,†sabi ni Gab kay Drew.
“Bakit?â€
Napabuntunghininga si Gab. Nang magsalita ay marahan lang at mahina.
“Nakatingin kasi sa akin nang masama ang asawa ni Daddy --- si Baby. Nakita ko ang paglisik ng mga mata na para bang sinasabi na may mangyayari sa akin kapag nagsumbong ako.’’
“Hindi mo talaga nasabi ang ginagawa ng Baby na iyon.’’
“Hindi. Natakot nga ako. Bata pa ako noon. Ten years old lang ako. Hindi ko naman magawa na makapagsarilinan kami dahil laging nakakabit ang asawang si Baby. Gusto kong kausapin minsan, pero gumawa ng paraan para hindi kami makapag-usap. Niyaya niya si Daddy na mamasyal sa kung saan. Kaya ang nangyari, umalis muli si Daddy pa-Saudi na hindi kami nagkausap nang masinsinan.’’
“Walanghiya pala ang stepmom mo.’’
“Hindi lang walanghiya, Drew, marumi pa siya. Sobrang dumi. Nagalit ako sa mga katulad niyang marumi.’’
“Anong nangyari pagkaÂtapos?â€
“Nung minsan nga pala, bigla akong umiyak habang kausap si Daddy. Sobra na kasing nararamdaman kong sakit ng kalooban at gusto nang sumabog, aba bigla ba namang niyaya ng maruming babae sa kuwarto si Daddy. Mayroon daw ipakikita. Pagkatapos ay narinig kong naghaharutan.’’
“Ano pang sumunod?â€
“Nang makaalis na muli si Daddy, tuloy ang panlaÂlaki. Madalas na rito sa bahay ang kanyang lalaki. Bata pa ang lalaki – siguro ay mga 18 o 19 lang. Halatang playboy. Dito na nga kumakain.’’
“Grabe talaga ano? Wala ka bang tita o tito na mapagsumbungan?â€
“Wala. Si Daddy walang kapatid. Si Mommy meron, pero kaaway ni Daddy. Hindi ako pinalalapit ni Daddy.â€
“Paano nalaman ng daddy mo ang kataksilan ni Baby?â€
“Sa akin din. Pero ako ay nasa high school na noon. Sinulatan ko si Daddy. Hindi pa uso nun ang Facebook o email. Letter lang. Sinumbong ko ang panlalalaki ni Baby.â€
(Itutuloy)