^

Punto Mo

Laparoscopic surgery para sa bato sa apdo (Huling bahagi)

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

NAGIGING inflamed o namamaga ang apdo kung ang pagbabara ay natatagalan. Puwedeng dumami ang bacteria sa lugar na ito at magkaroon ng impeksyon. Nagiging delikado ang kondisyon kapag may impeksyon na.  Puwedeng lagnatin ang pasyente.

Makatutulong ang ultrasound para makatiyak kung may bato nga sa apdo. Posibleng gawin pa ang ibang tests gaya ng MRI, CT scan, at ERCP. Bahal­a na ang doctor na magbigay ng request kung kakailanganin pa ito.

Paano ba ito ginagamot?

Ang mga bato sa apdo na hindi naman nagdudulot ng anumang sintoma ay hindi na nangangailangan pang gamutin. Pero kung ang batong ito ay nagdudulot ng pabalik-balik na atake ng pangingirot sa naturang lugar, puwedeng isagawa ang pagtatanggal mismo ng apdo. Cholecsytectomy ang medical term sa operasyong naglalayong tanggalin ang buong apdo.

Kapag natanggal na ang apdo, wala na rin ang atake ng biliary colic. Hindi totoong naaapektuhan ang kakayahan nating lumusaw ng pagkain kapag tinanggal na ang ating apdo. Mayroon na ring operasyon ngayon na hindi na kinakailangan ang malaking hiwa sa tiyan. Kahit maliit lamang ang hiwa, nagpapasok ng instrument  na kung tawagin ay “laparoscope.”

Mas madalas nang ginagawa ngayon ang “laparoscopic gallbladder surgery.” Mas maigsi ang nagiging hospital stay, mas mabilis din ang recovery ng pasyente, at di hamak na maliit ang nalilikhang pilat na dulot ng operasyon. Mas magandang tingnan ang ating tiyan matapos maoperahan.

Kahit pa may mga gamot na sinasabing nakalulusaw raw ng bato sa apdo, higit pa ring maigi ang operasyon kaysa rito.

Puwede pa ring mamuhay ng normal kahit wala ng apdo ang isang tao.

APDO

BAHAL

CHOLECSYTECTOMY

KAHIT

KAPAG

MAKATUTULONG

MAYROON

NAGIGING

PUWEDENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with