^

Punto Mo

Video karera ni James, kalat na sa Parañaque

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAGLATAG nang mahigit 200 video karera machines ang Intsik na si alyas James sa Parañaque, siyudad ni Mayor Edwin Olivares. Ang administrador ni James sa VK operations niya ay si alyas Vic. Hindi makaporma si Sr. Supt. Ariel Andrade sa VK operations nina James at Vic dahil sanggang-diin pala ang Intsik kay Olivares, ayon sa mga kosa ko. Kaya kahit saang sulok ng siyudad ni Olivarez, lalo sa squatters’ area, ay may nakalatag ng video karera machine. Sinabi ng mga kosa ko na ang nautusan ni Olivares na mag-alalay sa VK operations ni James ay si Chief Insp. Rolando Santiago, ang umaaktong City Hall detachment chief ng lokal na pulisya. Kung maraming VK machines ang nakalatag sa Parañaque, ibig sabihin n’yan mga kosa, nagkalat din ang ilegal na droga doon. Kaya hindi nalalayo na dadami rin ang bilang ng kriminalidad sa siyudad dahil sa hindi mapigilang VK operation ni James, di ba mga kosa? Saan pa ba kukuha ng pantaya ang mga durugista na nagpapalipas ng oras sa VK machine kundi sa holdap at iba pang petty crimes. May basbas kaya ni SPD director Chief Supt. Jet Villacorte ang VK operations ni James sa Paranaque? Hehehe! T’yak ‘yun!

Sinabi ng mga kosa ko na ang kapustahan pala nina James at Vic sa NCRPO ay si Capt. Bernard Pagaduan. Sa pagkaalam ko bago pa lang sa NCRPO si Pagaduan subalit may timbre na kaagad? Ano ba ‘yan? Sa totoo lang, si NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria na lang ang naiwang nagpapatupad ng “no take” policy ni DILG Sec. Mar Roxas subalit kung ang sumbong laban kay Pagaduan ang gagawing basehan, mukhang napapaikutan na din siya, di ba mga kosa? Para mapatunayan na hindi totoo ang paggamit nina James at Vic ng pangalan niya, dapat sigurong pagbabasagin ni Pagaduan ang VK machines nila sa Parañaque. Ano sa tingin mo NCRPO intelligence chief Sr. Supt. Benjamin Acorda Sir? Pag nagkataon, mapapasama si Pagaduan kina Maj. Jay Agcaoile at Capt. Arnold Acosta na natapon dahil sa suspetsa na nagpapaikot sila sa mga illegal gambling, putahan at beerhouses sa Metro Manila. Mismo!

Itong si James pala mga kosa ay may-ari nang maraming computer shops sa Metro Manila. Ang bodega naman niya ng video karera ay malapit sa boundary ng Pasay City at Parañaque City kung saan ginagawa ang mga sirang makina. Sinabi ng mga kosa ko na may makina ding fruit games din si James. Bakit kaya ninais pa ni James na pasukin ang ilegal? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ’yan, di ba mga kosa?

Kahit pinaiiral ni Valmoria ang “no take” policy ni Roxas, tuloy naman at hayagan pa ang sakla-patay nina Lucy Santos at alyas Poleng sa Caloocan City? May kasagutan ka ba rito Col. Acorda Sir?

Sa tingin naman ng mga kosa ko, pagiwang-giwang na ang “no take” policy ni Valmoria dahil nagyayabang ang Espeleta brothers na sina Niño, Leonilo at Allan at Jake Duling na mag-iikot na sila sa mga ilegal sa Metro Manila sa darating na mga araw. Nakipag-meeting na rin ang Espeleta brothers at Jake Duling sa gambling lords. Nasibak na pulis ang Espeleta brothers dahil sa pekeng papeles at ginawa na nilang career ang pagiging tong collector. Abangan!

vuukle comment

ESPELETA

JAKE DULING

JAMES

KOSA

METRO MANILA

PAGADUAN

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with