^

Punto Mo

EDITORYAL- 12.1 milyong Pinoys ang walang trabaho

Pang-masa

NAKAKASIRA ng mood ang survey ng Social Weather Stations (SWS) na 12.1 milyong Pilipino ang walang trabaho. Napakaraming nakatambay. Maraming palamunin. Ang survey ay ginawa noong Setyembre hanggang Disyembre 2013. Ayon pa sa report ang unemployment rate ay tumaas ng 27.5 percent. Mas mataas ito kumpara sa 21.7 percent ng nakaraang quarter (Hunyo-Agosto 2013).

Mabilis namang sinabi ng Malacañang na ang kawalan ng trabaho ay dahil sa mga sunud-sunod na kalamidad na tumama sa bansa noong nakaraang taon. Binanggit ang pananalasa ng Bagyong Yolanda sa Leyte, Samar at iba pang lugar sa Visayas at ang pagtama ng lindol sa Bohol.

Maaaring tama ang Malacanang pero kung pagbabasehan ang mga report na umangat ang ekonomiya ng bansa noong 2012 at unang bahagi ng 2013, paano nagkaroon nang napakaraming tambay at tumaas ang unemployment rate. Nakapagtataka ito.

Noong 2012, umangat ang ekonomiya ng bansa ng 6.6 percent. Tuwang-tuwa si President Aquino sa pag-angat na ito. Ipinagmalaki niya na ang pag-angat ng ekonomiya ay dahil sa “maayos na pamamahala”. Nang sumunod na taon (2013), nag-forecast nang napaka-ganda ang Moody’s Analytics sa ekonomiya ng Pilipinas. Ayon sa report ng Moody’s na may title na “Philippines Outlook Asia’s Rising Star”, ang ekonomiya raw ng bansa ay lalago ng 6.5 hanggang 7 percent sa 2013 at magpapatuloy hanggang ngayong 2014. Uusbong daw ang maraming pagkakakitaan sa bansang ito sapagkat magiging matatag ang merkado. Ayon pa sa report, mula sa 7 percent na pag-angat ng ekonomiya, magiging 8 percent ito sa 2016. Ang Pilipinas daw ay may maningning na larawan ng magandang ekonomiya sa mundo. Mula raw sa pagiging underachiever sa Asia, mamamayagpag ang ekonomiya ng bansa.

Ang ganda nga ng forecast pero sa surbey ng SWS, eto at milyon ang tambay na mga Pilipino. Nakakadismaya ito. Sana naman, maka-create ang gobyerno ng trabaho. Bakit hindi tutukan ang agricultural sector na tiyak na may potensiyal dahil agrikulturang bansa ang Pilipinas. Paunlarin ito para magkaroon ng trabaho. Hindi sasapat ang mga call center lang.

ANG PILIPINAS

AYON

BAGYONG YOLANDA

EKONOMIYA

PHILIPPINES OUTLOOK ASIA

PILIPINAS

PILIPINO

PRESIDENT AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with