^

Punto Mo

Uok (62)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MADALAS ko silang makita na nagroromansahan dito sa salas. At ako ang napapahiya. Pakiramdam ko, nabababoy na ang aming tahanan. Pakiramdam ko rin, binasura ni Daddy si Mommy. Para kasing kalabaw na nagwala sa kural si Daddy. Nawala na yung pagkakilala ko sa kanya na mabait at walang imik…’’

“Kasal ba sila nung babae na ang pangalan ay Baby?” tanong ni Drew.

“Sabi ni Daddy, kasal  daw sila. Sa City hall daw. Hindi na ako nagtanong pa. Kasi nga bata pa ako noon. Ano bang pagkaintindi ko sa relasyon nila. Pero kahit ganun, alam kong mali ang ginagawa nilang paghaharutan o pagroromansahan sa salas. Alam nilang may kasama silang bata.’’

Napatango na lang si Drew. Nararamdaman niya ang nararamdaman ni Gab sa biglang pag-aasawa ng kanyang daddy. Parang binastos nga ang kanyang mommy sa ginawa. Hindi man lang pinalipas ang ilang taon saka nagdala ng babae. Sariwa pa ang pagkamatay ng mommy niya ay may kapalit na agad. Lalo nang naniwala si Drew na talagang may angking “kaboglihan” si Sir Basil. Tamang-tama nga ang tawag ditong “Uok” dahil sa dami ng sinira dahil sa pagigong ma-“L”. Siguro’y hindi tatagal na walang asawa kaya agad nagdala ng babae.

“Pero kinakausap ka naman ng madrasta mo?’’

“Oo. Pero hindi ako kumbinsido na magiging mabuti siya kay Daddy. Basta iyon ang unang impresyon ko. Di ba mayroon ka naman agad masi-sense na kakaiba sa unang pagkakita mo sa isang tao? Pakiramdam ko, lolokohin lang ng babaing iyon si Daddy. Kung tumingin kasi siya ay parang panakaw. Yun bang may paglandi. Singkit kasi siya. Basta iyon ang feel ko.”

“Anong tawag mo sa kanya?”

“Tita Baby. Pero iyon ay pagkaharap si Daddy. Hindi ko tinatawag na tita kapag kaming dalawa lang. Masama nga ang kutob ko sa kanya kaya hindi ko maatim na harapang tawaging Tita.’’

“Nag-saudi uli ba si Daddy mo?”

“Oo. Ayaw na sana niya dahil may naipon na siya. Pero naubos yun kaya kailangang umalis muli. At isa pa, pinagtutulakan siyang mag-abroad ni Baby. Mas maganda raw ang kita sa Saudi. Dollar daw. Umalis si daddy. Iyak ako nang iyak. Pero wala akong nagawa. Hanggang sa may madiskubre ako kay Baby. Habang wala si Daddy, mayroon siyang lalaki. Nahuli ko sila. Doon sa bedroom. May kukunin ako sa bedroom isang araw ng Linggo nang makarinig ako ng ungol.” (Itutuloy)

AKO

ALAM

DADDY

OO

PAKIRAMDAM

PERO

SA CITY

SIR BASIL

TITA BABY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with