IPINAGPATULOY nila ang pag-aartista kahit alam nilang may kapintasan sila sa katawan. Tinalo ng kanilang determinasyong magtagumpay ang depekto sa kanilang katawan. Pakialam nila kung anim ang kanilang daliri o putol ang isa nilang daliri. Hindi naman daliri ang nagpapatakbo ng kanilang talento sa pag-arte kundi ang kanilang tiwala sa sarili. Narito ang mga depekto ng Hollywood star na hindi alam nang marami:
Matthew Perry—putol ang one-third ng kanyang middle finger sa kanan. Siya ang gumanap na Chandler sa sitcom na Friends.
Megan Fox—kakatwa ang kanyang hinlalaki sa kamay dahil sa punggok nitong kuko. Ibinoto siya ng FHM readers na “2008 Most Sexiest Woman in the World†at gumanap na Mikaela Banes sa pelikulang Transformers noong 2007.
Kate Hudson at Hale Berry—may ekstrang hinliliit sa paa kaya six lahat ang daliri nila sa isang paa. Si Kate ay kanang paa lang samantalang si Hale Berry ay may tig-anim na daliri sa dalawang paa. Si Jennifer Garner naman ay nakapatong at nakapaling ang hinliliit (kanang paa) sa fourth finger. Hindi nakadikit pero ganoon ang porma.
Joaquin Phoenix—may malaking peklat sa nguso dahil sa mild form cleft lip. Siya ang gumanap na Commodus sa 2000 film Gladiator.
Denzel Washington—ang kanyang kanang hinliliit sa kamay ay nakabaluktot dahil nabalian siya noong bata pa dahil sa paglalaro ng basketball. Hindi na iyon naibalik sa normal. Siya si Malcom X sa pelikulang may kaparehong titulo noong 1992.
Kate Bosworth, Jane Seymoour, Dan Aykroyd, Mila Kunis, Christopher Walken and Kiefer Sutherland—pare-pareho silang may matang magkaiba ang kulay ng pares. Ang tawag sa kondisyong ito ay Heterochromia.